Koreanaque: Pagsusuri sa BF Homes, Paranaque bilang pangatlong espasyo para sa kabataang Koreano

Buhat ng economic cooperation ng Pilipinas at South Korea, maraming itinayong korporasyon ang mga Koreano sa bansa. Sa ngayon sila ang ikinukunsiderang top spending market ng Department of Tourism ng Pilipinas at may mga pag-aaral na nagsasabing hindi titigil ang pagdagsa ng mga Koreano sa bansa sa...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Amante, Victoria Clarabel R.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2016
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2843
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
id oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_bachelors-3843
record_format eprints
spelling oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_bachelors-38432021-06-02T02:16:10Z Koreanaque: Pagsusuri sa BF Homes, Paranaque bilang pangatlong espasyo para sa kabataang Koreano Amante, Victoria Clarabel R. Buhat ng economic cooperation ng Pilipinas at South Korea, maraming itinayong korporasyon ang mga Koreano sa bansa. Sa ngayon sila ang ikinukunsiderang top spending market ng Department of Tourism ng Pilipinas at may mga pag-aaral na nagsasabing hindi titigil ang pagdagsa ng mga Koreano sa bansa sa mga nalalapit pang taon. Kasabay ng pagsulong ng ekonomiya nila, mas naging mahigpit ang kompetisyon para sa nagiging global nilang lipunan. Naging isang kahilingan na sa mag kabataan ang matuto ng wikang Ingles. Kaya naman ang nasa middle class na mga magulang na hindi kaya ipadala sa Amerika ang kanilang mga anak, ginagawang opsyon ang Pilipinas dahil sa mas murang pamumuhay rito. Isa pang nakitang dahilan na may kaugnayan din sa kompetisyon sa South Korea ay ang pressure sa mga kabataan nila na mapasok sa magandang unibersidad. Ilan sa mga estudyanteng Koreano ang tumakas mula rito sa pamamagitan ng paglipat sa Pilipinas. Ang isang kapansin-pansin na katangian ng mga Koreano sa Pilipinas ay ang kanilang pagkukumpol-kumpol. Nakikita ito sa pakikipagkapwa lamang nila sa kanilang mga kalahi at pati na rin sa pagkakaroon nila ng mataas na konsentrasyon sa maraming bahagi ng bansa. Sa BF Homes, Parañaque, ang pinakamalaking village na matatagpuan sa Asya, halos magkasing dami na ang mga Pilipino rito at ang mga migrante mula Korea, Ebidente ito lalo na sa pangunahing mga commercial areas nito na Aguirre Avenue at President's Avenue na kinakatayuan ng napakaraming establisyementong pang-Koreano. Layunin ng mananaliksik alamin kung paano nagiging pangatlong espasyo para sa mga kabataan Koreano ang BF Homes, Paranaque. May dalawang hinaing tiyak na suliranin sa unang umaalam kung ano ang katangian ng BF Homes, Parañaque at paano ito nagmumukhang Koreatown. Ang pangalawa naman bilang pananaw ng kabataang Koreano sa BF homes, Parañaque ayon sa teoryang Third Place ni Ray Oldenburg. Nagsasagawa ng obserbasyon at panayam ang mananaliksik at gamit ang convenience sampling, nagkaroon ng sampung respondent na kabataang Koreano na madalas tumatambay sa BF Homes na may edad 18 hanggang 23. Natuklasan ng pag-aaral na matatagpuan sa BF Homes ang pisikal na katangian ng enclave ayon sa paglalarawan ni Alejandro Portes. Isa sa mga katangian na ito ay ang pagkakaroon ng maramig paskil na nakasulat na sa wika ng mga imigranteng may konsentrasyon sa isang lugar. Pinatunayan ng imahe mula sa Aguirre Avenue at sa obserbasyon sa BF Homes ng risertser na ganoon nga ang sitwasyon sa BF Homes. Ang varayti din ang mga negosyo ng imigrante sa isang enclave ay pinagtibay ng obserbasyon at isang bahagi ng artikulo mula sa The Philippine Star na naglalarawan sa matatagpuang establisyementong pang-Koreano sa nasabaing barangay. Para tugunan ang pangalawang tiyak na suliranin, ginamit ng mananaliksik ang mga walong katangian ni Oldenburg para sa Third Place at inihanay rito ang mga naging sagot sa panayam ng sampung mga kabataang Koreano. Napatunayan na nasa BF Homes, Parañaque ang lahat ng kahingian ng Third Place ayon sa pananaw ng respondents. 2016-01-01T08:00:00Z text https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2843 Bachelor's Theses Filipino Animo Repository Koreans--Philippines Students Foreign-- Philippines--Attitudes Social and Behavioral Sciences
institution De La Salle University
building De La Salle University Library
continent Asia
country Philippines
Philippines
content_provider De La Salle University Library
collection DLSU Institutional Repository
language Filipino
topic Koreans--Philippines
Students
Foreign-- Philippines--Attitudes
Social and Behavioral Sciences
spellingShingle Koreans--Philippines
Students
Foreign-- Philippines--Attitudes
Social and Behavioral Sciences
Amante, Victoria Clarabel R.
Koreanaque: Pagsusuri sa BF Homes, Paranaque bilang pangatlong espasyo para sa kabataang Koreano
description Buhat ng economic cooperation ng Pilipinas at South Korea, maraming itinayong korporasyon ang mga Koreano sa bansa. Sa ngayon sila ang ikinukunsiderang top spending market ng Department of Tourism ng Pilipinas at may mga pag-aaral na nagsasabing hindi titigil ang pagdagsa ng mga Koreano sa bansa sa mga nalalapit pang taon. Kasabay ng pagsulong ng ekonomiya nila, mas naging mahigpit ang kompetisyon para sa nagiging global nilang lipunan. Naging isang kahilingan na sa mag kabataan ang matuto ng wikang Ingles. Kaya naman ang nasa middle class na mga magulang na hindi kaya ipadala sa Amerika ang kanilang mga anak, ginagawang opsyon ang Pilipinas dahil sa mas murang pamumuhay rito. Isa pang nakitang dahilan na may kaugnayan din sa kompetisyon sa South Korea ay ang pressure sa mga kabataan nila na mapasok sa magandang unibersidad. Ilan sa mga estudyanteng Koreano ang tumakas mula rito sa pamamagitan ng paglipat sa Pilipinas. Ang isang kapansin-pansin na katangian ng mga Koreano sa Pilipinas ay ang kanilang pagkukumpol-kumpol. Nakikita ito sa pakikipagkapwa lamang nila sa kanilang mga kalahi at pati na rin sa pagkakaroon nila ng mataas na konsentrasyon sa maraming bahagi ng bansa. Sa BF Homes, Parañaque, ang pinakamalaking village na matatagpuan sa Asya, halos magkasing dami na ang mga Pilipino rito at ang mga migrante mula Korea, Ebidente ito lalo na sa pangunahing mga commercial areas nito na Aguirre Avenue at President's Avenue na kinakatayuan ng napakaraming establisyementong pang-Koreano. Layunin ng mananaliksik alamin kung paano nagiging pangatlong espasyo para sa mga kabataan Koreano ang BF Homes, Paranaque. May dalawang hinaing tiyak na suliranin sa unang umaalam kung ano ang katangian ng BF Homes, Parañaque at paano ito nagmumukhang Koreatown. Ang pangalawa naman bilang pananaw ng kabataang Koreano sa BF homes, Parañaque ayon sa teoryang Third Place ni Ray Oldenburg. Nagsasagawa ng obserbasyon at panayam ang mananaliksik at gamit ang convenience sampling, nagkaroon ng sampung respondent na kabataang Koreano na madalas tumatambay sa BF Homes na may edad 18 hanggang 23. Natuklasan ng pag-aaral na matatagpuan sa BF Homes ang pisikal na katangian ng enclave ayon sa paglalarawan ni Alejandro Portes. Isa sa mga katangian na ito ay ang pagkakaroon ng maramig paskil na nakasulat na sa wika ng mga imigranteng may konsentrasyon sa isang lugar. Pinatunayan ng imahe mula sa Aguirre Avenue at sa obserbasyon sa BF Homes ng risertser na ganoon nga ang sitwasyon sa BF Homes. Ang varayti din ang mga negosyo ng imigrante sa isang enclave ay pinagtibay ng obserbasyon at isang bahagi ng artikulo mula sa The Philippine Star na naglalarawan sa matatagpuang establisyementong pang-Koreano sa nasabaing barangay. Para tugunan ang pangalawang tiyak na suliranin, ginamit ng mananaliksik ang mga walong katangian ni Oldenburg para sa Third Place at inihanay rito ang mga naging sagot sa panayam ng sampung mga kabataang Koreano. Napatunayan na nasa BF Homes, Parañaque ang lahat ng kahingian ng Third Place ayon sa pananaw ng respondents.
format text
author Amante, Victoria Clarabel R.
author_facet Amante, Victoria Clarabel R.
author_sort Amante, Victoria Clarabel R.
title Koreanaque: Pagsusuri sa BF Homes, Paranaque bilang pangatlong espasyo para sa kabataang Koreano
title_short Koreanaque: Pagsusuri sa BF Homes, Paranaque bilang pangatlong espasyo para sa kabataang Koreano
title_full Koreanaque: Pagsusuri sa BF Homes, Paranaque bilang pangatlong espasyo para sa kabataang Koreano
title_fullStr Koreanaque: Pagsusuri sa BF Homes, Paranaque bilang pangatlong espasyo para sa kabataang Koreano
title_full_unstemmed Koreanaque: Pagsusuri sa BF Homes, Paranaque bilang pangatlong espasyo para sa kabataang Koreano
title_sort koreanaque: pagsusuri sa bf homes, paranaque bilang pangatlong espasyo para sa kabataang koreano
publisher Animo Repository
publishDate 2016
url https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2843
_version_ 1772834568972271616