Ang ideolohiyang politikal ng DLSU Harlequin Theatre Guild: Mga dula mula taong 2010 hanggang 2015

Layunin ng pag-aaral na itong suriin ang Ideolohiyang Politikal ng kaisa-isang panteatrong organisasyon sa Pamantasang De La Salle, and DLSU Harlequin Theatre Guild na kilala rin sa tawag na HTG. Ang pitong dulang naipalabas ng organisasyon: Rizal is My President (2010), A child of my own (2010), Un...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Gonzales, Mary Angeline M.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2016
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2852
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Layunin ng pag-aaral na itong suriin ang Ideolohiyang Politikal ng kaisa-isang panteatrong organisasyon sa Pamantasang De La Salle, and DLSU Harlequin Theatre Guild na kilala rin sa tawag na HTG. Ang pitong dulang naipalabas ng organisasyon: Rizal is My President (2010), A child of my own (2010), Unang Ulan ng Mayo (2011), Si Tonying at ang Mahiwagang Aklat ng Kasaysayan (2012), The Sky Over Dimas (2013), Fish-Hair Wowan (2014) at Magtanggol Libercion (2015) ang mga major production na sinuri gamit ang ideolohikal na spectrum na ibinalangkas at minodipika ni Dr. Feorillo Demetrio III mula sa ideolohikal na spectrum ni Hans Slomp. Isa-isang sinuri ang mga iskrip ng dula upang matukoy ang tiyak na ideolohiyang politikal ng bawat isa. Sinagot ng pag-aral na ito ang pangunahing katanungang: Paano mababasa ang politikal na ideolohiya ng DLSU Harlequin Theatre Guild mula sa mga naipalabas nitong dula mula taong 2010 hanggang 2015. Upang masagot ito, hinati sa apat na bahagi ang pagsusuri sa mga dula. Tinalakay sa unang bahaging pangunahing paksa, tema at motibo na mayroon ang bawat dula. Kasunod nito ang mga paninindigan nito tungkol sa kasalukuyan at pagbabago na susukat sa x-axis ng modipikadong konstrak. Pagkatapos ay ang paninindigan ng mga dula tungkol sa pagpapahalaga sa indibidwal at o estado na syang susukat sa y-axis ng spectrum. Ang huli ay ang pagtukoy kung ano ang Ideolohiyang Politikal ng bawat ng dula batay sa pagkakasuri ng dalawang panindigang nabanggit. Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri, natukoy ng pag-aaral na ito ang mga politikal na ideolohiyang nakapaloob sa bawat dulang naipalabas ng HTG. Ang unang tatlong dula na Rizal is My President, A Child of My Own at Unang Ulan ng Mayo ay pareparehong Liberal ng Libertaryan o Klasikong Libertayan ang politakal na ideolohiya. Ang tatlong naunang dula ay mas nagpapahalaga sa kalayaan at sa indibidwal. Ang pang-aapt na dulang Si Tonying at ang Mahiwagang Aklat ng Kasaysayan naman ay may politika lna ideolohiyang Reaksiyonaryo sapagkat mas pabor ito sa mga nakalipas na pangyayari at paulit-ulit na binanggit ang kahalagahan ng kasaysayan bilang isang gabay sa kasalukuyan. Ang huling tatlong dula na, The Sky Over Dimas, Fish-Hair Wowan at Magtanggol Libercion ay pareparehong nahuhulog sa politikal na ideolohiyang radikal na Libertarryan o Demokratikong Sosyalismo. Ang mga dula ito ay pumapabor sa kasalukuyang kaayusan at handang gawin ang lahat upang makamit ang pagbabago. Katulad ng tatlong naunang dula, mas pinahahalagahan din nito ang kalayaan at ang indibidwal. Sa kabuuan, ang Politikal na Ideolohiya ng DLSU Harlequin Theatre Guild mula sa pitong dulang sinuri ay naglalaro sa gitna ng kaisipang Liberal na Libertaryan o Klasiking Libertaryan at Radikal na Libertaryan, o Demokratikong Sosyalismo. Ang dalawang politikal na ideolohiyang ito ang mangingibabaw sa loob taong 2010 hanggang 2015. Isa itong pagpapatunay na lahat ng pitong dula ay pumapabor sa Indibidwal, kaya naman angkop na Libertayan ang pangkalahatang Pagpapahalaga ng organisasyon.