When love meets radio: Pagsusuri sa true love conversations program ni Papa Jack
Sa pag-aaral na ito binigyang-pokus ang sikat na programamng True Love Conversations o TLC na pinangungunahan ng host na si Papa Jack ng istasyong 90.7 Love radio. Napili ng tagapagsaliksik ang paksang ito dahil ang TLC ang isa sa mga nangungunang programang panradyo sa Pilipinas na tinutukan at pin...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2016
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2854 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
id |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_bachelors-3854 |
---|---|
record_format |
eprints |
spelling |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_bachelors-38542022-11-14T07:21:00Z When love meets radio: Pagsusuri sa true love conversations program ni Papa Jack Uy, Charisse Antonette C. Sa pag-aaral na ito binigyang-pokus ang sikat na programamng True Love Conversations o TLC na pinangungunahan ng host na si Papa Jack ng istasyong 90.7 Love radio. Napili ng tagapagsaliksik ang paksang ito dahil ang TLC ang isa sa mga nangungunang programang panradyo sa Pilipinas na tinutukan at pinagpuyatan ng maraming Pilipino. Sa pamamagitan ng teorya ni Harold Lasswell na Lasswell Formula, sinuri ang iba't-ibang estratehiya ni Papa Jack sa pagpapatakbo ng programa sa aspekto ng lengguwahe at approach o metodo gamit ang textual analysis. Matapos gawin ang transkrip ng programa ay hinanap ang recurring patterns o ang mga bagay na paulit-ulit sa teksto na may kaugnayan sa lengguwahe, katatawanan, at approach. Ang ikalawang metodo na isinagawa ay ang social media chat. Naghanda ang tagapagsaliksik ng anim na katanungan at ipinasagot sa 25 na tagapakinig o participants. Tinalakay dito ang perspektiba ng mga tagapakinig ng TLC kaugnay ng programang nagbibigay-payo. Sa pamamagitan ng tesis na ito ay nabigyang-kasagutan kung ano ang mga taktika ni Papa Jack bilang isang DJ sa pagmamando ng isang phone-in counseling radio program. Natagpuan na ang estratehiya niya sa pagpapatakbo ng TLC ay sa pamamagitan ng paggamit ng iba't ibang uri ng lengguwahe at katatawanan katulad ng gay lingo, mga birong may bahid ng panlalait at sexual undertone, at mga sentimental o hugot line. Ang isa pa nyang estratehiya ay ang paggamit ng iisang approach-- tinatawanan nya muna ang mga caller (gamit ang mga birong may bahid ng panlalait at sexual undertone) at sa huli ay magbibigay ng makabuluhang payo (sa tulong ng mga sentimental o hugot line) para palabasin na bagama't ginawa nyang katatawanan ang caller sa unang bahagi ng usapan ay hindi pa rin niya naluilimutan magbigay ng seryosong payo sa huli. Ang mga taktikang ito ang bumubuo sa imahe ng TLC bilang isang programang panradyo na nagiging dahilan o pundasyon naman kung bakit tinitingnan ito ng mga tagapakinig hindi lamang bilang isang programang pampalipas-oras. Para sa marami sa kanila ay nakakatulong din ang programa, partikular na ang mga payong binibitawan ni Papa Jack sa kanilang buhay. Ang pag-aaral na ito ay makabuluhan dahil ito ay nagsilbing panimulang-hakbang lalo pa at kakaunti pa lang ang mga isinagaawang pag-aaral sa bansa kaugnay ng ganitong uri ng programang panradyo. Mahalaga rin ito dahil pinalawig pa nito ang tungkol sa paggamit ng wika sa midya. 2016-01-01T08:00:00Z text https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2854 Bachelor's Theses Filipino Animo Repository Radio programs--Philippines Radio stations-- Philippines Disc jockeys--Philippines Communication |
institution |
De La Salle University |
building |
De La Salle University Library |
continent |
Asia |
country |
Philippines Philippines |
content_provider |
De La Salle University Library |
collection |
DLSU Institutional Repository |
language |
Filipino |
topic |
Radio programs--Philippines Radio stations-- Philippines Disc jockeys--Philippines Communication |
spellingShingle |
Radio programs--Philippines Radio stations-- Philippines Disc jockeys--Philippines Communication Uy, Charisse Antonette C. When love meets radio: Pagsusuri sa true love conversations program ni Papa Jack |
description |
Sa pag-aaral na ito binigyang-pokus ang sikat na programamng True Love Conversations o TLC na pinangungunahan ng host na si Papa Jack ng istasyong 90.7 Love radio. Napili ng tagapagsaliksik ang paksang ito dahil ang TLC ang isa sa mga nangungunang programang panradyo sa Pilipinas na tinutukan at pinagpuyatan ng maraming Pilipino. Sa pamamagitan ng teorya ni Harold Lasswell na Lasswell Formula, sinuri ang iba't-ibang estratehiya ni Papa Jack sa pagpapatakbo ng programa sa aspekto ng lengguwahe at approach o metodo gamit ang textual analysis. Matapos gawin ang transkrip ng programa ay hinanap ang recurring patterns o ang mga bagay na paulit-ulit sa teksto na may kaugnayan sa lengguwahe, katatawanan, at approach. Ang ikalawang metodo na isinagawa ay ang social media chat. Naghanda ang tagapagsaliksik ng anim na katanungan at ipinasagot sa 25 na tagapakinig o participants. Tinalakay dito ang perspektiba ng mga tagapakinig ng TLC kaugnay ng programang nagbibigay-payo.
Sa pamamagitan ng tesis na ito ay nabigyang-kasagutan kung ano ang mga taktika ni Papa Jack bilang isang DJ sa pagmamando ng isang phone-in counseling radio program. Natagpuan na ang estratehiya niya sa pagpapatakbo ng TLC ay sa pamamagitan ng paggamit ng iba't ibang uri ng lengguwahe at katatawanan katulad ng gay lingo, mga birong may bahid ng panlalait at sexual undertone, at mga sentimental o hugot line. Ang isa pa nyang estratehiya ay ang paggamit ng iisang approach-- tinatawanan nya muna ang mga caller (gamit ang mga birong may bahid ng panlalait at sexual undertone) at sa huli ay magbibigay ng makabuluhang payo (sa tulong ng mga sentimental o hugot line) para palabasin na bagama't ginawa nyang katatawanan ang caller sa unang bahagi ng usapan ay hindi pa rin niya naluilimutan magbigay ng seryosong payo sa huli. Ang mga taktikang ito ang bumubuo sa imahe ng TLC bilang isang programang panradyo na nagiging dahilan o pundasyon naman kung bakit tinitingnan ito ng mga tagapakinig hindi lamang bilang isang programang pampalipas-oras. Para sa marami sa kanila ay nakakatulong din ang programa, partikular na ang mga payong binibitawan ni Papa Jack sa kanilang buhay.
Ang pag-aaral na ito ay makabuluhan dahil ito ay nagsilbing panimulang-hakbang lalo pa at kakaunti pa lang ang mga isinagaawang pag-aaral sa bansa kaugnay ng ganitong uri ng programang panradyo. Mahalaga rin ito dahil pinalawig pa nito ang tungkol sa paggamit ng wika sa midya. |
format |
text |
author |
Uy, Charisse Antonette C. |
author_facet |
Uy, Charisse Antonette C. |
author_sort |
Uy, Charisse Antonette C. |
title |
When love meets radio: Pagsusuri sa true love conversations program ni Papa Jack |
title_short |
When love meets radio: Pagsusuri sa true love conversations program ni Papa Jack |
title_full |
When love meets radio: Pagsusuri sa true love conversations program ni Papa Jack |
title_fullStr |
When love meets radio: Pagsusuri sa true love conversations program ni Papa Jack |
title_full_unstemmed |
When love meets radio: Pagsusuri sa true love conversations program ni Papa Jack |
title_sort |
when love meets radio: pagsusuri sa true love conversations program ni papa jack |
publisher |
Animo Repository |
publishDate |
2016 |
url |
https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2854 |
_version_ |
1772834627296165888 |