Turismo sa riles: Isang paunang pananaliksik sa saysay ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 sa promosyon ng turismo sa kamaynilaan
Ang tesis na ito ay umiikot sa pag-aaral sa promosyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 bilang isang transportasyong turismo sa Kamaynilaan. Sinuri sa apg-aaral kung ano nga ba ang potensyal ng LRT Line 1 bilang isang tranportasyong pangturismo sa pamamagitan ng pagsuri sa tren, at partikular ang p...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2016
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2855 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Ang tesis na ito ay umiikot sa pag-aaral sa promosyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 bilang isang transportasyong turismo sa Kamaynilaan. Sinuri sa apg-aaral kung ano nga ba ang potensyal ng LRT Line 1 bilang isang tranportasyong pangturismo sa pamamagitan ng pagsuri sa tren, at partikular ang pornograpiya sa 10 istasyon na pinuntahan para kumuha ng datos. Ang naging karanasan, simula sa pagsakay sa tren, at paglibot sa mga istasyon ang naging susi sa pagsagot sa suliranin ng buong tesis.
Dalawa ang naging teoryang batayan ng tesis, ang cultural mapping na naging gabay sa mga asset na nakita sa bawat istasyon, at kung ano nga ba ang kontribusyon ng nasabing istasyon sa kultura ng istasyon. Habang ang destination management naman ang naging paraan ng pagtukoy kung paano matatawag ang istasyon na isang turismong destinasyon. Pangunahing ginamit sa teoryang ito ang SWOT Analysis, habang ang depinisyon ng turismong destinasyon mula kay Corazon Catibog-Sinha ang naging applikasyon sa pagbigay ng batayan sa pagiging turismong destinasyon ng bawat istasyon na pinuntathan.
Kasama ang tatlong katuwang sa pananaliksik, umikot ng isa hanggang dalawang kilometro (depende sa lawak ng istasyon) ang bawat istasyon ng LRT Line 1 na pinuntahan sa pagdatos. Itinala ng mananaliksik, at mga katuwang ang mga asset na nakita, at mga naging karanasan sa paglibot sa mga istasyon. Sa naging sintesis ng mga datos nabuo ang mapa sa bawat istasyon na nakatala ang mga asset ang naging kalakasan, kahinaan, oportunidad, at pangamba ng istasyon sa turismo, at binigyan diin ang kalakasan, at oportunidad na naging batayan sa pagtawag sa turismong destinasyon sa istasyon. Mula sa istasyon, binalikan muli ang paglakbay sa LRT Line 1, at dito ibinahagi ang naging karanasan sa paglakbay, at pagbuo ng SWOT Analysis upang makita kung kaya nga ba ng LRT Line 1 maging isang tansportasyong panturismo. Sa huli bumuo ng limang potensyal nang tren, at mga istasyon nito sa paano sila parehong makakatulong sa promosyon ng turismo sa LRT line 1. |
---|