Boses sa likod ng mga boses: Ang naratibo ng mga dubber bilang pagsipat sa kasalukuyang estado ng industriya ng dubbing

Tinalakay ng pag-aaral na ito ang kasalukuyang estado ng industriya ng dubbing sa Pilipinas. Sa pagsusuri ng industriyang ito, ginamit na batayan ang naratibo ng mga nakapanayam na dubber na may karanasan sa pagda-dub ng iba't ibang materyal, at nakapagtrabaho na sa ilang mga network at product...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Reducindo, Jasmine Denise V.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2016
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2857
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
id oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_bachelors-3857
record_format eprints
spelling oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_bachelors-38572021-06-04T06:56:48Z Boses sa likod ng mga boses: Ang naratibo ng mga dubber bilang pagsipat sa kasalukuyang estado ng industriya ng dubbing Reducindo, Jasmine Denise V. Tinalakay ng pag-aaral na ito ang kasalukuyang estado ng industriya ng dubbing sa Pilipinas. Sa pagsusuri ng industriyang ito, ginamit na batayan ang naratibo ng mga nakapanayam na dubber na may karanasan sa pagda-dub ng iba't ibang materyal, at nakapagtrabaho na sa ilang mga network at production studios sa bansa. Mula sa naratibo ng mga dubber, kinuha ang mga karaniwang isyung nabanggit at hinati ito sa apat na aspekto, (1) aspektong teknikal, (2) aspektong propesyonal, (3) aspektong pangkabuhayan at (4) aspektong sosyo-kultural. Naging pokus ng papel na ito ang mga nakakaharap na suliranin ng mga dubber sa kanilang industriya, ang paraan ng pagtugon nila sa mga ito, at ang kanilang patuloy na pakikipagsapalaran sa kabila ng lahat. Sa pagsusuri ng mga naratibong ito ginamit ang teorya ni Todd Landman na ang Apat na Antas ng Pagsusuri sa mga Naratibo at ang teorya ni James Bruner na Acts of Meaning. Sa paglalapat ng teorya ni Landman na Apat na Antas ng Pagsusuri ng mga Naratibo na ang antas-kronolohikal, antas-relasyonal, at antas-emosyonal, nabigyang-linaw ng kategorisasyon ang pagtalakay sa mga suliraning inilahad ng mga dubber. Sa pang-apat na antas, ang antas-analitikal, tinalakay naman ang mga karanasan ng mananaliksik at pananaw nito sa pagsasagawa ng buong pag-aaral. Samantala , sa Acts of Meaning naman ni Bruner, binigyang-kahulugan ang karanasan ng lahat ng mga dubber sa pamamagitan ng pagsusuri sa paraan ng pagtugon nila sa kanilang mga problema, at sa mga inisyatibong ipinapatupad upang maiangat ang kanilang industriya. Sa pagsusuri sa naratibo ng mga dubber gamit ang teorya ni Bruner na Acts of meaning, natukoy ang mga pangkaraniwang isyung hinaharap ng mga dubber sa pagda-dub at pagsasalin. Sinasabing nagkakaroon ng pulitika sa loob ng industriya dahil sa ilang mga direktor na tumangging makatrabaho ang mga bagong pasok na dubber. Sa patuloy naman na pagpasok ng mga materyal na kinakailangan i-dub, inaasahang tumataas din ang pagkilala sa mga dubber subalit ayon sa mga nakapanayam, hindi nangyayari ang inaasahang pagkilala sa kanilang hanay. Hindi rin sapat ang nakukuhang kompensasyon at rekognisyon ng mga dubber na nagiging sanhi ng pagbaba ng kalidad ng ibang materyal na dina-dub. Bunga nito, lalong nagkaroon ng maling panghuhusga ang mga manonood lalong bumababa ang kalidad ng praktikal at produktong dubbed, at tila lalong lumalaki ang kakulangan sa kaalaman kaugnay ng kalakaran sa pagbubuo ng isang dubbed na materyal. Upang masolusyonan ito, hinahangad ng mga dubber na iangat ang antas ng kalidad ng mga naipapalabas na materyal sa telebisyon at pelikula upang magkaroon ng pagkilala sa mga dubber sa likod ng mga kilala nating karakter. Sinisimulan ito ng ilang dubber sa pagiging kritikal sa mga tinatanggap na maging kasapi ng kanilang dubbing group. Sa pagging kritikal mula pagsasalin hanggang sa pangrerekord, masisiguro ng mga dubebr ang kalidad ng materyal na makikita ng mga manonood. Layunin nitong magkaroon ng estandardisadong kalidad sa loob ng industriya upang balang araw ay magkaroon mg propesyonalisasyon sa industriya ng dubbing. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, nailarawan ang isang mukha ng kasalukuyang estado ng industriya ng dubbing sa bansa at kung ano ang mga inisyatibong maaring ipatupad upang maiangat ang industriyang ito. 2016-01-01T08:00:00Z text https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2857 Bachelor's Theses Filipino Animo Repository Dubbing of motion pictures--Philippines Voice actors and actresses--Philippines Communication
institution De La Salle University
building De La Salle University Library
continent Asia
country Philippines
Philippines
content_provider De La Salle University Library
collection DLSU Institutional Repository
language Filipino
topic Dubbing of motion pictures--Philippines
Voice actors and actresses--Philippines
Communication
spellingShingle Dubbing of motion pictures--Philippines
Voice actors and actresses--Philippines
Communication
Reducindo, Jasmine Denise V.
Boses sa likod ng mga boses: Ang naratibo ng mga dubber bilang pagsipat sa kasalukuyang estado ng industriya ng dubbing
description Tinalakay ng pag-aaral na ito ang kasalukuyang estado ng industriya ng dubbing sa Pilipinas. Sa pagsusuri ng industriyang ito, ginamit na batayan ang naratibo ng mga nakapanayam na dubber na may karanasan sa pagda-dub ng iba't ibang materyal, at nakapagtrabaho na sa ilang mga network at production studios sa bansa. Mula sa naratibo ng mga dubber, kinuha ang mga karaniwang isyung nabanggit at hinati ito sa apat na aspekto, (1) aspektong teknikal, (2) aspektong propesyonal, (3) aspektong pangkabuhayan at (4) aspektong sosyo-kultural. Naging pokus ng papel na ito ang mga nakakaharap na suliranin ng mga dubber sa kanilang industriya, ang paraan ng pagtugon nila sa mga ito, at ang kanilang patuloy na pakikipagsapalaran sa kabila ng lahat. Sa pagsusuri ng mga naratibong ito ginamit ang teorya ni Todd Landman na ang Apat na Antas ng Pagsusuri sa mga Naratibo at ang teorya ni James Bruner na Acts of Meaning. Sa paglalapat ng teorya ni Landman na Apat na Antas ng Pagsusuri ng mga Naratibo na ang antas-kronolohikal, antas-relasyonal, at antas-emosyonal, nabigyang-linaw ng kategorisasyon ang pagtalakay sa mga suliraning inilahad ng mga dubber. Sa pang-apat na antas, ang antas-analitikal, tinalakay naman ang mga karanasan ng mananaliksik at pananaw nito sa pagsasagawa ng buong pag-aaral. Samantala , sa Acts of Meaning naman ni Bruner, binigyang-kahulugan ang karanasan ng lahat ng mga dubber sa pamamagitan ng pagsusuri sa paraan ng pagtugon nila sa kanilang mga problema, at sa mga inisyatibong ipinapatupad upang maiangat ang kanilang industriya. Sa pagsusuri sa naratibo ng mga dubber gamit ang teorya ni Bruner na Acts of meaning, natukoy ang mga pangkaraniwang isyung hinaharap ng mga dubber sa pagda-dub at pagsasalin. Sinasabing nagkakaroon ng pulitika sa loob ng industriya dahil sa ilang mga direktor na tumangging makatrabaho ang mga bagong pasok na dubber. Sa patuloy naman na pagpasok ng mga materyal na kinakailangan i-dub, inaasahang tumataas din ang pagkilala sa mga dubber subalit ayon sa mga nakapanayam, hindi nangyayari ang inaasahang pagkilala sa kanilang hanay. Hindi rin sapat ang nakukuhang kompensasyon at rekognisyon ng mga dubber na nagiging sanhi ng pagbaba ng kalidad ng ibang materyal na dina-dub. Bunga nito, lalong nagkaroon ng maling panghuhusga ang mga manonood lalong bumababa ang kalidad ng praktikal at produktong dubbed, at tila lalong lumalaki ang kakulangan sa kaalaman kaugnay ng kalakaran sa pagbubuo ng isang dubbed na materyal. Upang masolusyonan ito, hinahangad ng mga dubber na iangat ang antas ng kalidad ng mga naipapalabas na materyal sa telebisyon at pelikula upang magkaroon ng pagkilala sa mga dubber sa likod ng mga kilala nating karakter. Sinisimulan ito ng ilang dubber sa pagiging kritikal sa mga tinatanggap na maging kasapi ng kanilang dubbing group. Sa pagging kritikal mula pagsasalin hanggang sa pangrerekord, masisiguro ng mga dubebr ang kalidad ng materyal na makikita ng mga manonood. Layunin nitong magkaroon ng estandardisadong kalidad sa loob ng industriya upang balang araw ay magkaroon mg propesyonalisasyon sa industriya ng dubbing. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, nailarawan ang isang mukha ng kasalukuyang estado ng industriya ng dubbing sa bansa at kung ano ang mga inisyatibong maaring ipatupad upang maiangat ang industriyang ito.
format text
author Reducindo, Jasmine Denise V.
author_facet Reducindo, Jasmine Denise V.
author_sort Reducindo, Jasmine Denise V.
title Boses sa likod ng mga boses: Ang naratibo ng mga dubber bilang pagsipat sa kasalukuyang estado ng industriya ng dubbing
title_short Boses sa likod ng mga boses: Ang naratibo ng mga dubber bilang pagsipat sa kasalukuyang estado ng industriya ng dubbing
title_full Boses sa likod ng mga boses: Ang naratibo ng mga dubber bilang pagsipat sa kasalukuyang estado ng industriya ng dubbing
title_fullStr Boses sa likod ng mga boses: Ang naratibo ng mga dubber bilang pagsipat sa kasalukuyang estado ng industriya ng dubbing
title_full_unstemmed Boses sa likod ng mga boses: Ang naratibo ng mga dubber bilang pagsipat sa kasalukuyang estado ng industriya ng dubbing
title_sort boses sa likod ng mga boses: ang naratibo ng mga dubber bilang pagsipat sa kasalukuyang estado ng industriya ng dubbing
publisher Animo Repository
publishDate 2016
url https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2857
_version_ 1772834527936249856