Pagdalumat sa konsepto ng pagbubukod sa Brgy. Victory Village ng bakod ng Embarcadero de Legazpi
Isang umuunlad na bansa ang Pilipinas kaya't patuloy ang mga isinasagawang paglilinang at pagbabago upang maging modernisado at makasabay sa globalisasyon. Isa ang lugar ng Victory Village sa lugar na sumailalim sa ganitong klase ng pagbabago. Nang pumasok ang industrilisasyon sa kanilang lugar...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2017
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2858 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
id |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_bachelors-3858 |
---|---|
record_format |
eprints |
spelling |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_bachelors-38582021-06-01T05:14:46Z Pagdalumat sa konsepto ng pagbubukod sa Brgy. Victory Village ng bakod ng Embarcadero de Legazpi Arnedo, Gianne Alyanna P. Isang umuunlad na bansa ang Pilipinas kaya't patuloy ang mga isinasagawang paglilinang at pagbabago upang maging modernisado at makasabay sa globalisasyon. Isa ang lugar ng Victory Village sa lugar na sumailalim sa ganitong klase ng pagbabago. Nang pumasok ang industrilisasyon sa kanilang lugar, nagdulot ito ng malaking pagbabago sa kaayusan ng lugar. Lubos na naapektohan dito ang komunidad ng mga informal settler na nainirahan sa lugar sa matagal nang panahon, ang Brgy. Victory Village. Sa paglilinang sa lugar ng Victory Village, nagtayo ng isang perimeter fence o isang malaking pader sa pagitan ng Brgy. Victory Village at Commercial Center na Embarcadero de Legazpi. Nagdulot ito ng pagbabago sa pisikal na kaayusan ng lugar na nagbunga sa isang kaguluhan sa pagitan ng mga residente. Naapektuhan ang pangkabuhayang kalagayan ng mga residente na nagiging sanhi ng opresyon sa lugar. Dahil sa mga pagbabagong ito, naapektuhan din ang pantaong aspekto ng komunidad na bumubuo sa sosyo-ekonomikong katayuan at identidad ng mga tao sa lugar. Ang pagtatayo ng pader sa pagitan ng Brgy. Victory Village at Embarcadero De Legazpi ang isa sa malalaking isyung hinarap ng lugar. Hindi na nabigyan ng pansin ang isyung ito sa paglipas ng panahon at tuluyan na itong naisantabi sa dahilang tilatanggap na ng mga tao ang pagsasantabi sa mga residente ng Brgy Victory Village. Nang saliksikin muli ang isyung ito sa kasalukuyang panahon, nakitang mas malaki ang epekto ng pader sa lugar kaysa sa simpleng dahilan (perimeter fence) lamang na inilatag ng mga tao sa likod ng papapatayo nito. Lubos na nakaapekto ang pader na umiiral na kahirapan sa Brgy. Victory Village. Sa pamamagitan ng pagdalumat sa imaheng nilikha ng pader, napag alamang magkasalungat ang epekto ng pader sa mga residente ng Brgy. Victory Village at Embarcadero de Legazpi. Nagsisilbing representasyon sa lumalaganap na kaayusan (pagbubukod ng uri) sa ganitong klaseng mga komunidad ang pagdalumat sa pader na itinayo sa Victory Village. Naging kaagapay ng pag-aaral na ito ang kasaysayan ng lugar bago dumating ang mga pagbabago sa pook ng pag-aaral, katulad ng pagpapatayo ng pader. Naging puso naman ng pag-aaral na ito ang mga pahayag ng mga residenteng lubos na nakaranas ng pagbabgo sa kanilang lugar. Sa pamamagitan nito, nailahad ang mga katotohana at naipaliwanag ang pagpupunyagi ng mga residente ng Brgy. Victory Village sa ilalim ng kaayusang ipinalalaganap sa lugar sa kasalukuyan. Sa tulong ng teoryang Panoptikon ni Jeremy Betham at Michael Foucault, nailarawan ang pag-iral ng negatibong imahe na nililikha ng pader sa Brgy. Victory Village at kung paano ito nakaapekto sa mga residente nito. Nailagay nito sa teoretikal na larawan ang tumpak na kasalukuyang kalagayan ng barangay nang magkaroon ng pader. Pinalalim naman ng konsepto ng Bakod at Bukod ni Elizabeth Nuncio ang kinabibilangang kaayusan ng mga residente ng Brgy Victory Village. Naipakita ng mga konseptong ito kung paano nagiging negatibo ang epekto ng kaayusan ng lugar sa mga residente ng Brgy Victory Village. Isang descriptive-exploratory ang pag-aaral na ito. sa pagdalumat sa imaheng nilikha ng pader na itinayo sa Victory Village, nalaman ng mananaliksik ang kabuuang kalagayan ng lugar. Nagkaroon ng malalimang pagkakilala sa lugar at nalaman ang malalalim na salik na lubos na nakaapekto sa estado ng mga residente ng Brgy. Victory Village sa kasalukuyan. Napagalamang may lumalaganap na eksklusyon sa lugar. Naging sanhi ito ng hindi pagkakapanty-pantay na nagdulot sa pagiging opresibo ng pook. Nagpapakita ng negatibong alrawan ang pader tungkol sa kaunlaran ng lugar. 2017-01-01T08:00:00Z text https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2858 Bachelor's Theses Filipino Animo Repository Community development Urban -- Philippines -- Bicol Communication |
institution |
De La Salle University |
building |
De La Salle University Library |
continent |
Asia |
country |
Philippines Philippines |
content_provider |
De La Salle University Library |
collection |
DLSU Institutional Repository |
language |
Filipino |
topic |
Community development Urban -- Philippines -- Bicol Communication |
spellingShingle |
Community development Urban -- Philippines -- Bicol Communication Arnedo, Gianne Alyanna P. Pagdalumat sa konsepto ng pagbubukod sa Brgy. Victory Village ng bakod ng Embarcadero de Legazpi |
description |
Isang umuunlad na bansa ang Pilipinas kaya't patuloy ang mga isinasagawang paglilinang at pagbabago upang maging modernisado at makasabay sa globalisasyon. Isa ang lugar ng Victory Village sa lugar na sumailalim sa ganitong klase ng pagbabago. Nang pumasok ang industrilisasyon sa kanilang lugar, nagdulot ito ng malaking pagbabago sa kaayusan ng lugar. Lubos na naapektohan dito ang komunidad ng mga informal settler na nainirahan sa lugar sa matagal nang panahon, ang Brgy. Victory Village.
Sa paglilinang sa lugar ng Victory Village, nagtayo ng isang perimeter fence o isang malaking pader sa pagitan ng Brgy. Victory Village at Commercial Center na Embarcadero de Legazpi. Nagdulot ito ng pagbabago sa pisikal na kaayusan ng lugar na nagbunga sa isang kaguluhan sa pagitan ng mga residente. Naapektuhan ang pangkabuhayang kalagayan ng mga residente na nagiging sanhi ng opresyon sa lugar. Dahil sa mga pagbabagong ito, naapektuhan din ang pantaong aspekto ng komunidad na bumubuo sa sosyo-ekonomikong katayuan at identidad ng mga tao sa lugar.
Ang pagtatayo ng pader sa pagitan ng Brgy. Victory Village at Embarcadero De Legazpi ang isa sa malalaking isyung hinarap ng lugar. Hindi na nabigyan ng pansin ang isyung ito sa paglipas ng panahon at tuluyan na itong naisantabi sa dahilang tilatanggap na ng mga tao ang pagsasantabi sa mga residente ng Brgy Victory Village. Nang saliksikin muli ang isyung ito sa kasalukuyang panahon, nakitang mas malaki ang epekto ng pader sa lugar kaysa sa simpleng dahilan (perimeter fence) lamang na inilatag ng mga tao sa likod ng papapatayo nito. Lubos na nakaapekto ang pader na umiiral na kahirapan sa Brgy. Victory Village. Sa pamamagitan ng pagdalumat sa imaheng nilikha ng pader, napag alamang magkasalungat ang epekto ng pader sa mga residente ng Brgy. Victory Village at Embarcadero de Legazpi.
Nagsisilbing representasyon sa lumalaganap na kaayusan (pagbubukod ng uri) sa ganitong klaseng mga komunidad ang pagdalumat sa pader na itinayo sa Victory Village. Naging kaagapay ng pag-aaral na ito ang kasaysayan ng lugar bago dumating ang mga pagbabago sa pook ng pag-aaral, katulad ng pagpapatayo ng pader. Naging puso naman ng pag-aaral na ito ang mga pahayag ng mga residenteng lubos na nakaranas ng pagbabgo sa kanilang lugar. Sa pamamagitan nito, nailahad ang mga katotohana at naipaliwanag ang pagpupunyagi ng mga residente ng Brgy. Victory Village sa ilalim ng kaayusang ipinalalaganap sa lugar sa kasalukuyan.
Sa tulong ng teoryang Panoptikon ni Jeremy Betham at Michael Foucault, nailarawan ang pag-iral ng negatibong imahe na nililikha ng pader sa Brgy. Victory Village at kung paano ito nakaapekto sa mga residente nito. Nailagay nito sa teoretikal na larawan ang tumpak na kasalukuyang kalagayan ng barangay nang magkaroon ng pader. Pinalalim naman ng konsepto ng Bakod at Bukod ni Elizabeth Nuncio ang kinabibilangang kaayusan ng mga residente ng Brgy Victory Village. Naipakita ng mga konseptong ito kung paano nagiging negatibo ang epekto ng kaayusan ng lugar sa mga residente ng Brgy Victory Village.
Isang descriptive-exploratory ang pag-aaral na ito. sa pagdalumat sa imaheng nilikha ng pader na itinayo sa Victory Village, nalaman ng mananaliksik ang kabuuang kalagayan ng lugar. Nagkaroon ng malalimang pagkakilala sa lugar at nalaman ang malalalim na salik na lubos na nakaapekto sa estado ng mga residente ng Brgy. Victory Village sa kasalukuyan. Napagalamang may lumalaganap na eksklusyon sa lugar. Naging sanhi ito ng hindi pagkakapanty-pantay na nagdulot sa pagiging opresibo ng pook. Nagpapakita ng negatibong alrawan ang pader tungkol sa kaunlaran ng lugar. |
format |
text |
author |
Arnedo, Gianne Alyanna P. |
author_facet |
Arnedo, Gianne Alyanna P. |
author_sort |
Arnedo, Gianne Alyanna P. |
title |
Pagdalumat sa konsepto ng pagbubukod sa Brgy. Victory Village ng bakod ng Embarcadero de Legazpi |
title_short |
Pagdalumat sa konsepto ng pagbubukod sa Brgy. Victory Village ng bakod ng Embarcadero de Legazpi |
title_full |
Pagdalumat sa konsepto ng pagbubukod sa Brgy. Victory Village ng bakod ng Embarcadero de Legazpi |
title_fullStr |
Pagdalumat sa konsepto ng pagbubukod sa Brgy. Victory Village ng bakod ng Embarcadero de Legazpi |
title_full_unstemmed |
Pagdalumat sa konsepto ng pagbubukod sa Brgy. Victory Village ng bakod ng Embarcadero de Legazpi |
title_sort |
pagdalumat sa konsepto ng pagbubukod sa brgy. victory village ng bakod ng embarcadero de legazpi |
publisher |
Animo Repository |
publishDate |
2017 |
url |
https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2858 |
_version_ |
1772834590737563648 |