Dehado sa/ang Binondo: Pagmamapa sa mga pagbabagong ekonomikal at sosyo-kultural sa distrito ng Binondo bilang espasyo ng kahirapan
Bago pa man makarating ang mga mananakop na Kastila sa kapuluan ng Pilipinas, maraming Tsino na ang nakikipagkalakalan sa mga katutubong Pilipino. Sa pagdating ng mga Kastila malakas na ang impluwensiyang hatid ng mga Tsino sa lipunang Pilipino lalo na sa usapin ng kultura. Sa takot ng mga Kastila s...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | English |
Published: |
Animo Repository
2016
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2859 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | English |
id |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_bachelors-3859 |
---|---|
record_format |
eprints |
institution |
De La Salle University |
building |
De La Salle University Library |
continent |
Asia |
country |
Philippines Philippines |
content_provider |
De La Salle University Library |
collection |
DLSU Institutional Repository |
language |
English |
topic |
Merchants -- Philippines -- Manila -- History -- 19th century Chinese in the Philippines Binondo (Manila Philippines) -- History Community development Urban -- Binondo -- Manila Philippines Social change -- Binondo -- Manila Philippines Communication |
spellingShingle |
Merchants -- Philippines -- Manila -- History -- 19th century Chinese in the Philippines Binondo (Manila Philippines) -- History Community development Urban -- Binondo -- Manila Philippines Social change -- Binondo -- Manila Philippines Communication Autor, Christian M. Dehado sa/ang Binondo: Pagmamapa sa mga pagbabagong ekonomikal at sosyo-kultural sa distrito ng Binondo bilang espasyo ng kahirapan |
description |
Bago pa man makarating ang mga mananakop na Kastila sa kapuluan ng Pilipinas, maraming Tsino na ang nakikipagkalakalan sa mga katutubong Pilipino. Sa pagdating ng mga Kastila malakas na ang impluwensiyang hatid ng mga Tsino sa lipunang Pilipino lalo na sa usapin ng kultura. Sa takot ng mga Kastila sa maaring gawin ng mga Tsino laban sa kanila, kanilang itinatag ang mga Parian sa bansa na naghiwalay sa mga mamamayang Tsino mula sa mga katutubong Pilipino bansa at nagsilbing 'kulungan' ng mga Tsinong hindi pa lumilipat at/o sumasapi sa relihiyong Katoliko. Sa kabilang banda, pinasinayaan ng isang gobernador-heneral ang pagtatag ng distrito ng Binondo noong 1594 na sa kasalukuyan ay kilala bilang pinakamatandang Chinatown hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa buong mundo. Posibleng naging modelo ng naturang distrito ang paraan ng pamumuhay ng mga mamamayang naninirahan sa bansa ang Parian ngunit nagkaroon lamang ng pagkakaiba sa relihiyong kanilang pinaniniwalaan sapagkat matatagpuan sa distrito ng Binondo ang mga Katolikong Tsino.
Sa paglipas ng panahon, maraming kaganapan sa kasaysayan ng distrito ng Binondo ang nakaapekto sa kasalukuyang estado nito: nagkaroon ng tunggalian sa pagitan ng mga Pilipino at ng mga Tsino, umosbong ang lahing mestisong Tsino na humalili sa kinalalagyan ng mga Tsino noon, nagkaroon ng pagkakaisa sa pagitan ng nagtutunggaliang mga lahi at lumaban sa mga mananakop na Kastila, dumating ang mga mananakop na Amerikano upang sakuping muli ang bansa, nagkaroon ng pagbabago sa kulturang bumabalot sa distrito dala ng urbanisasyon, sumiklab ang Ikalawang Pandaigdigang Digmaan na sumira at pumulbos sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan sa bansa, at nagtulungan at bumangong muli ang mga Pilipino, mga tsino, at mga mestisong Tsino. Gayunpaman, hindi napanatili ng mga pangyayaring ito ang pagkakaisa lalo na sa usapin ng ekonomikal at sosyo-kultural na estado ng nasabing distrito.
Bilang tugon sa suliraning ito, nais patunayan ng pag-aaral na ito ang patuloy na pagkadehado ng distrito ng Binondo bilang isang lugar at ang pagkadehado ng lipunang matatagpuan sa distrito ng Binondo sa espasyong ginagalawan na bumubo sa mga pagbabagong nararanasan ng nasabing distrito. Tampok sa apg-aaral ng espasyong ito ang kahirapang ekonomikal na tumutukoy sa mga taong nainirahan sa distrito at ang kahirapang sosyo-kultural para naman sa lugar at espasyong ginagalawan ng mga tapong matatagpuan dito. Upang mapag-aralan ng mabuti ang mga pagbabong nagaganap sa distrito, ginmit ng mananaliksik ang konsepto ng Marxismo na kumikilatis sa lipunang gingalawan ng mga nasa ibabang sektor. Magmula sa pangunahing konseptong pagbabatayan ng pag-aaral, inihanay ang pag-aaral ng mga pagbabagong may kinalaman sa kahirapang ekonomikal at kahirapang sosyo-kultural sa dalawang magkaibang istilo. Para sa kahirapang ekonomikal, magsisimula ang pag-aaral sa kasaysayan ng mga katutubong Pilipino, Tsino, Parian, at ng Binondo patungo sa kasalukuyang estado ng mga Pilipino at ng mgaTsino sa distrito. Para naman sa kahirapang sosyo-kultural, ginamit ng mananaliksik ang metapora ng banga na nakabatay sa konsepto ni Prospero Covar ng Pagkataong Pilipino. Katulad ng isang tao, itinuturing ng mananaliksik ang distrito ng Binondo bilang isang tao na binubuo ng Labas, Loob, at Lalim.
Sa kabuuan ng pag-aaral, nagkaroon man ng pagkakaisa sa pagitan ng mga Pilipino at ng mga Tsino, nananatili naman ang lihim na tunggalian sa pagitan ng dalawang lahi. Hindi rin maipagkaila na nagpapatuloy ang pagtrato sa mga Pilipino bilang mga dayuhan sa sariling bayan bunsod ng kanilang mga trabahong pinapasok sa distrito ng mga Tsino at ng mga mestisong Tsino. Gayunpaman, lumalabas na patuloy na naapektuhan ang distrito ng Binondo sa mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran bunsod ng globalissyon. Iniugnay rin sa paglalagom ng mga nakalap na impormasyon ang dalawang klase ng kahirapan sapagkat naglalaro lamang sa espasyo ng distrito ng Binondo ang mga tao at mga kulturang patuloy na pumapasok at umaangkin sa distrito. Bilang pagtatapos, naniniwala ang mananaliksik na kahit pa man tuluyan nang lamunin ng globalisasyon sa mga susunod pang mga taon o henerasyon ang kulturang nanaig na sa distrito noon ay mananatili pa rin ang matatag na pundasyon ng kultura, pagkatao, at lipunang naipundar na ng mga Tsino at ng mga Pilipino sa distrito mula sa mahabang kwento ng kasaysayan nito. |
format |
text |
author |
Autor, Christian M. |
author_facet |
Autor, Christian M. |
author_sort |
Autor, Christian M. |
title |
Dehado sa/ang Binondo: Pagmamapa sa mga pagbabagong ekonomikal at sosyo-kultural sa distrito ng Binondo bilang espasyo ng kahirapan |
title_short |
Dehado sa/ang Binondo: Pagmamapa sa mga pagbabagong ekonomikal at sosyo-kultural sa distrito ng Binondo bilang espasyo ng kahirapan |
title_full |
Dehado sa/ang Binondo: Pagmamapa sa mga pagbabagong ekonomikal at sosyo-kultural sa distrito ng Binondo bilang espasyo ng kahirapan |
title_fullStr |
Dehado sa/ang Binondo: Pagmamapa sa mga pagbabagong ekonomikal at sosyo-kultural sa distrito ng Binondo bilang espasyo ng kahirapan |
title_full_unstemmed |
Dehado sa/ang Binondo: Pagmamapa sa mga pagbabagong ekonomikal at sosyo-kultural sa distrito ng Binondo bilang espasyo ng kahirapan |
title_sort |
dehado sa/ang binondo: pagmamapa sa mga pagbabagong ekonomikal at sosyo-kultural sa distrito ng binondo bilang espasyo ng kahirapan |
publisher |
Animo Repository |
publishDate |
2016 |
url |
https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2859 |
_version_ |
1772834548819689472 |
spelling |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_bachelors-38592021-06-01T04:50:35Z Dehado sa/ang Binondo: Pagmamapa sa mga pagbabagong ekonomikal at sosyo-kultural sa distrito ng Binondo bilang espasyo ng kahirapan Autor, Christian M. Bago pa man makarating ang mga mananakop na Kastila sa kapuluan ng Pilipinas, maraming Tsino na ang nakikipagkalakalan sa mga katutubong Pilipino. Sa pagdating ng mga Kastila malakas na ang impluwensiyang hatid ng mga Tsino sa lipunang Pilipino lalo na sa usapin ng kultura. Sa takot ng mga Kastila sa maaring gawin ng mga Tsino laban sa kanila, kanilang itinatag ang mga Parian sa bansa na naghiwalay sa mga mamamayang Tsino mula sa mga katutubong Pilipino bansa at nagsilbing 'kulungan' ng mga Tsinong hindi pa lumilipat at/o sumasapi sa relihiyong Katoliko. Sa kabilang banda, pinasinayaan ng isang gobernador-heneral ang pagtatag ng distrito ng Binondo noong 1594 na sa kasalukuyan ay kilala bilang pinakamatandang Chinatown hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa buong mundo. Posibleng naging modelo ng naturang distrito ang paraan ng pamumuhay ng mga mamamayang naninirahan sa bansa ang Parian ngunit nagkaroon lamang ng pagkakaiba sa relihiyong kanilang pinaniniwalaan sapagkat matatagpuan sa distrito ng Binondo ang mga Katolikong Tsino. Sa paglipas ng panahon, maraming kaganapan sa kasaysayan ng distrito ng Binondo ang nakaapekto sa kasalukuyang estado nito: nagkaroon ng tunggalian sa pagitan ng mga Pilipino at ng mga Tsino, umosbong ang lahing mestisong Tsino na humalili sa kinalalagyan ng mga Tsino noon, nagkaroon ng pagkakaisa sa pagitan ng nagtutunggaliang mga lahi at lumaban sa mga mananakop na Kastila, dumating ang mga mananakop na Amerikano upang sakuping muli ang bansa, nagkaroon ng pagbabago sa kulturang bumabalot sa distrito dala ng urbanisasyon, sumiklab ang Ikalawang Pandaigdigang Digmaan na sumira at pumulbos sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan sa bansa, at nagtulungan at bumangong muli ang mga Pilipino, mga tsino, at mga mestisong Tsino. Gayunpaman, hindi napanatili ng mga pangyayaring ito ang pagkakaisa lalo na sa usapin ng ekonomikal at sosyo-kultural na estado ng nasabing distrito. Bilang tugon sa suliraning ito, nais patunayan ng pag-aaral na ito ang patuloy na pagkadehado ng distrito ng Binondo bilang isang lugar at ang pagkadehado ng lipunang matatagpuan sa distrito ng Binondo sa espasyong ginagalawan na bumubo sa mga pagbabagong nararanasan ng nasabing distrito. Tampok sa apg-aaral ng espasyong ito ang kahirapang ekonomikal na tumutukoy sa mga taong nainirahan sa distrito at ang kahirapang sosyo-kultural para naman sa lugar at espasyong ginagalawan ng mga tapong matatagpuan dito. Upang mapag-aralan ng mabuti ang mga pagbabong nagaganap sa distrito, ginmit ng mananaliksik ang konsepto ng Marxismo na kumikilatis sa lipunang gingalawan ng mga nasa ibabang sektor. Magmula sa pangunahing konseptong pagbabatayan ng pag-aaral, inihanay ang pag-aaral ng mga pagbabagong may kinalaman sa kahirapang ekonomikal at kahirapang sosyo-kultural sa dalawang magkaibang istilo. Para sa kahirapang ekonomikal, magsisimula ang pag-aaral sa kasaysayan ng mga katutubong Pilipino, Tsino, Parian, at ng Binondo patungo sa kasalukuyang estado ng mga Pilipino at ng mgaTsino sa distrito. Para naman sa kahirapang sosyo-kultural, ginamit ng mananaliksik ang metapora ng banga na nakabatay sa konsepto ni Prospero Covar ng Pagkataong Pilipino. Katulad ng isang tao, itinuturing ng mananaliksik ang distrito ng Binondo bilang isang tao na binubuo ng Labas, Loob, at Lalim. Sa kabuuan ng pag-aaral, nagkaroon man ng pagkakaisa sa pagitan ng mga Pilipino at ng mga Tsino, nananatili naman ang lihim na tunggalian sa pagitan ng dalawang lahi. Hindi rin maipagkaila na nagpapatuloy ang pagtrato sa mga Pilipino bilang mga dayuhan sa sariling bayan bunsod ng kanilang mga trabahong pinapasok sa distrito ng mga Tsino at ng mga mestisong Tsino. Gayunpaman, lumalabas na patuloy na naapektuhan ang distrito ng Binondo sa mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran bunsod ng globalissyon. Iniugnay rin sa paglalagom ng mga nakalap na impormasyon ang dalawang klase ng kahirapan sapagkat naglalaro lamang sa espasyo ng distrito ng Binondo ang mga tao at mga kulturang patuloy na pumapasok at umaangkin sa distrito. Bilang pagtatapos, naniniwala ang mananaliksik na kahit pa man tuluyan nang lamunin ng globalisasyon sa mga susunod pang mga taon o henerasyon ang kulturang nanaig na sa distrito noon ay mananatili pa rin ang matatag na pundasyon ng kultura, pagkatao, at lipunang naipundar na ng mga Tsino at ng mga Pilipino sa distrito mula sa mahabang kwento ng kasaysayan nito. 2016-01-01T08:00:00Z text https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2859 Bachelor's Theses English Animo Repository Merchants -- Philippines -- Manila -- History -- 19th century Chinese in the Philippines Binondo (Manila Philippines) -- History Community development Urban -- Binondo -- Manila Philippines Social change -- Binondo -- Manila Philippines Communication |