Ang mabilis na paglaho ng pagbabatek ng mga Ifugao kaysa sa mga Bontok at Southern Kalinga

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong pagtibayin ang papel na inilatha ni Dr. F. P. A. Demetrio, III na The Fading Batek: Problematizing the Decline of Traditional Tattoos in The Philippine Cordillera Region. Tinalakay ng nabanggit na riserts ang makasaysayang pagkupas ng tradisyonal na kultura ng pag...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Santiago, Marjorie Anne DS.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2016
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2867
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang pag-aaral na ito ay naglalayong pagtibayin ang papel na inilatha ni Dr. F. P. A. Demetrio, III na The Fading Batek: Problematizing the Decline of Traditional Tattoos in The Philippine Cordillera Region. Tinalakay ng nabanggit na riserts ang makasaysayang pagkupas ng tradisyonal na kultura ng pagtatato sa rehiyon ng Kordilyera. Sa pangambang paglaho ng tradisyonal na pagtatato sa Kordilyera, batay sa ilang mga histoikal na salik ang pagbibigay ng mga tiyak sanhi ng paglalaho ng tradisyonal na kultura ng pagtato. Layunin rin nitong masagot ang ilang pangunahing katanungan: 1.) Mga sanhing nakabalot sa paglaho ng tradisyonal na kultura ng pagtatato ng mga pangunahing ethnolinggwistikong grupo sa Kordilyera na Ifugao, Bontok, at Southern Kalinga at 2.) Tuklasin ang dahilan ng mas maagang paglaho ng tradisyonal na kultura ng pagtatato ng mga Ifugao kung ihahambing sa paglaho ng tradisyonal na kultura ng pagtatato ng mga Bontok at Southern Kalinga. Susuriin sa pamamagitan ng teoryang Archaelogical Framework ang kasaysayan ng kolektibong kultura ng kasanayan ng tradisynal na pagtatato. Mula sa paglalagom ng tradisyonal na kultura ng pagtatato ng tatlong pangunahing etnolinggwistikong grupo naisasaad ang mga sanhi sa maagang paglalaho ng tradisyonal na pagtatato sa Ifugao na hinati sa apat na balangkas. Una ang Politikal na reorganisasyon ng Kordilyera dulot ng pananakop ng Amerika, Ikalawa ang pagpasok ng Kristianismo sa Kordilyera, Ikatlo ang pagtatag ng Kanluraning edukasyon sa Kordilyera at ikahuli ang usaping estetika. Ang maagang paglaho ng tradisyonal na pagtatato sa Ifugao ay hindi lamang impluwensya ng modernisasyon, mula sa pagbabagong ito nakapaloob ang transpormasyong nabatid dulot ng pananakop ng ilang bansa sa Kordilyera, impluwensya sa kultura kapatagan, kung saan mas malapit ang lokasyon ng mga Ifugao sa kapatagan kumpara sa mga Bontok sa Southern Kalinga. Ang paglaho ng tradisyonal na kultura ng pagtatato sa Ifugao ay sumasalamin sa pagbabago at impluwensya ng kolonyalisasyon, westernisasyo