Pananampalatayang Voyadores: Pagsusuri sa estruktura ng mga kuwentong debosyon sa Nuestra Senora de Penafrancia

Bahagi na ng identidad ng Pilipino ang debosyon. Dahil sa malawakang impluwensya ng relihiyong Romano Katoliko, nangingibabaw ang maraming kultura at paniniwaang itinuturo ng simbahan. Higit sa kalahating porsyento ng populasyon sa Pilipinas, kinikilala ang kanilang mga sarili bilang Katoliko. Gayun...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Sermon, Maricho D.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2017
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2868
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Bahagi na ng identidad ng Pilipino ang debosyon. Dahil sa malawakang impluwensya ng relihiyong Romano Katoliko, nangingibabaw ang maraming kultura at paniniwaang itinuturo ng simbahan. Higit sa kalahating porsyento ng populasyon sa Pilipinas, kinikilala ang kanilang mga sarili bilang Katoliko. Gayunpaman, maihahanay ang debosyon ng mga mananampalataya sa kulturang nakagisnan at paniniwalang umiigting mula sa mga ninuno noong unang panahon pa man. Sa pag-aaral na ito, sinuri ng mananaliksik ang dahilan sa kung bakit pumapasok sa debosyon para kay Nuestra Senoora de Penafrancia ang tinatawag na voyadores o syang mga deboto ni Inang Penafrancia. Inilarawan din rito ang kanilang paraan ng paggunita sa kapistahan ni Ina at kung bakit nila patuloy na ginagawa ang debosyong ito. Para sa mga suliraning inihain ng pag-aaral, sinubukang sagutin ng mananaliksik ang (1) paraan ng pagdiriwang ng kapistahan, (2) ang pagmamalas ng mga deboto sa kanilang debosyon tuwing kapistahan, at (3) patuloy ang debosyon kay Ina. Nakatulong naman ang teoryang Structuralism ni Levi-Stauss (1969) upang matuklasan ang ideya sa loob ng pagpasok ng voyadores sa kanilang debosyon. Ipinaliwanag at inilapat ang konsepto niyang 'binary oppositions' na makikita mula sa mga sagot ng mga deboto sa pakikiapanayam ng mananaliksik. Gayunpaman, nakitaan ng pagkakahati ang debosyon para kay Ina. Sa higit na pagpapatuloy ng pananaliksik, kekwestunin ang kahulugan ng 'pananampalataya'. Pananampalataya nga ba ang umiiral sa debosyon kay Ina? Higit na tatalakayin iyan sa pagdiskurso ng pananampalataya gamit ang kanilang mga kwento.