Banwaan ni Ina: Ang papel ng simbahan ng Immaculate Conception sa buhay mga Viracnon sa nagbabagong panahon
Ang pag-aaral nito ay naglalayong tukuyin ang gampanin ng simbahan ng Immaculate Conception ng mga Viracnon sa nagbabagong panahon. Tinalakay ng riserts na ito ang kahalagahan ng simbahan ng Immaculate Conception hindi lamang sa mga Viracnon, kung hindi na rin sa buong bayan ng Virac, Catanduances....
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2016
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2870 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Ang pag-aaral nito ay naglalayong tukuyin ang gampanin ng simbahan ng Immaculate Conception ng mga Viracnon sa nagbabagong panahon. Tinalakay ng riserts na ito ang kahalagahan ng simbahan ng Immaculate Conception hindi lamang sa mga Viracnon, kung hindi na rin sa buong bayan ng Virac, Catanduances. Sa dahilang nakitaan ng kakaibang katangian ang mga Viracnon mula sa ibang bayan ng Catanduanes, at sa ibang probinsya ng Rehiyon V, tinalakay sa pag-aaral na ito ang kanilang pagiging malapit sa simbahan ng Immaculate Conception na naging basehan ng pag-aaral. Tiningnan sa pag-aral na ito ang kasalukuyang panlipunang kalagayan ng Virac at kung ano ang gampanin ng simbahan upang magabayan ang mga Viracnon sa sitwasyong kung saan nangyayari na ang pagbabago sa paglipas ng panahon. Nang dahil dito, sasagutin sa pananaliksik na ito ang pangunahing katanungang, Ano ang papel ng simbahan ng Immacualte Conception sa buhay ng mga Viracnon sa nagbabagong panahon? Bukod rito, sasagutin rin sa pananaliksik na ito ang mga katanungnag (1) Ano-ano ang mga programa ng simbahan ng Immaculate Conception para sa mga Viracnon at (2) Ano ang panlipunang kalagayan ng Virac sa nagbabagong panahon sa pamamgitan ng paglatag nito sa mga kabanata.
Sa pagtalakay ng pag-aaral na ito, ginamit ng mananaliksik ang teorya ng Modernisasyon kung saan ipinakita ang unti-unting pagbabago ng bayan ng Virac at ang mga Viracnon ay nahuhuli na kung kaya't ginagabayan sila ng simbahan ng Immaculate Conception upang makayanan nila ang mga bawat pagsubok na kanilang haharapin sa iba't ibang aspekto. Inilatag ng risets nito ang iba't ibang aspekto kung saan maaring maranasan ng mga Viracnon ang pagbabago: ang aspekto ng personal na pamumuhay, edukasyon, kalusugan, pangkabuhayan at politikal. Sa paglatag ng mga programa, matukoy sa riserts na ito ang kalakasan at kahinaan ng mga programa at ang separasyon nito mula sa gobyerno ng Virac.
Ang ginamit na teorya sa pag-aaral ay ang teorya ng modernisasyon na binigyang-liaw sa mga kabanata ng tesis na ito. Hinggil ito sa proseso ng modernisasyon na pinagdadaanan ng isang nasyon sa pagiging isang tradisyonal na komunidad patungo sa isang moderning komunidad. Ginamit ang teoryang ito sa pagsuri sa mga gawain ng simbahan upang gabayan ag mga Viracnon sa pagbabagong kanilang mararanasan. Ang maliit na bayan ng Virac ay nasa proseso ng modernisasyon kung kaya't tumutulong ang simbahan ng Immaculate Conception upang mapasaayos ang kanilang pamumuhay.
Isang kwalitatibong pag-aral ang pananaliksik kung kaya't ginamit ang metodo ng kasaysayng oral, pakikipanayam at pagkalap ng mahahalagang dokumento mula sa simbahan bilang mga pangunahing paraan ng pagkalap ng datos sa pananaliksik. Nakapanayam ang 8 na Viracnong nabenepisyuhan ng mga programa ng simbahan, ang Obispo at Parish Priest ng Diocese of Virac.
Sa kabuaan ng pag-aaral, napakahalaga ng gampanin ng simbahan sa buhay ng mga Viracnon sa nagbabagong panahon sa dahilang sila ang gumagabay at umaalalay sa mga ito upang mabuhay ang mga ito sa nagbabagong panahon. Ang bayan ng Virac ay nasa proseso pa rin ng pagbabago sa dahilang tradisyunal pa rin ang kanilang nakasanayang kaugalian. Nang dahil sa simbahan, unti-unti bumabangon ang mga Viracnon dahil sa mga programmang ibinigay ng simbahan para sa kanila. |
---|