Aba komodipikasyong Maria: Ang simbahan ng Simala, Cebu bilang espasyo ng turismong pangkultura

Ang pag-aaral na ito ay sumusuri sa pagtatagpo ng espasyo ng pananampalataya at komersyo na siyang bumubuo bilang espasyo ng turismong pangkultura sa simbahan ng Simala. Matatagpuan ang simbahan ng Simala sa Timog na bahagi ng Cebu. Kilala ito dahil sa mga milagro 'di umano ng imahen ng Our Lad...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Santos, Mary Veronica P.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2016
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2873
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
id oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_bachelors-3873
record_format eprints
spelling oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_bachelors-38732021-06-04T06:26:31Z Aba komodipikasyong Maria: Ang simbahan ng Simala, Cebu bilang espasyo ng turismong pangkultura Santos, Mary Veronica P. Ang pag-aaral na ito ay sumusuri sa pagtatagpo ng espasyo ng pananampalataya at komersyo na siyang bumubuo bilang espasyo ng turismong pangkultura sa simbahan ng Simala. Matatagpuan ang simbahan ng Simala sa Timog na bahagi ng Cebu. Kilala ito dahil sa mga milagro 'di umano ng imahen ng Our Lady of Fatima nang lumuha ito at ipagtanggol ang bayan ng Sibonga nang magkaroon ng epidemiko nong 1986. Dahil sa mga kuwentong ito, marami ang naging deboto ng simbahan na kinalaunan ay naging daan upang maitayo ang simbahan sa pangangasiwa ng Marian Monks Eucharistic Adoration (MMEA). Maliban sa naging espasyo ng pananampalataya ang simbahan ng Simala, naging espasyo na rin itong turisong pangkultuta dahil na rin sa naging pagda[g]sa ng mga dumarayo rito. Gamit ang teorya ni Melani Smith na postmodern cultural tourism, sinuri ng mananaliksik ang mga naratibo ng mga lokal at banyagang turista na dumarayo sa simbahan ng Simala. Dahil malaking bahagi rin ng simbahan ang himala, nagbigay ng mananaliksik ng iba't ibang mga tema at pagpapakahulugan ng himala na makikita sa simbahan ng Simala ayon sa panayam sa mga bisita at/o deboto ng simbahan. Maliban dito, tinukoy din ng mananaliksik ang mga kulturang umusbong sa simbahan ng Simala na nagpapaigting sa pananampalataya sa imahen ng Our Lady of Fatima gamit ang pagsusuri ng imahen ni Saussure. Gumamit din ng pagmamapa ang mananaliksik upang matukoy ang pisikal at kultural na espasyo ng simbahan sa pamamagitan ng paghahati nito sa tatlong parte: ang exterior ng simbahan, ang una, at ikalawang palapag ng interior ng simbahan. Base sa naging pagsusuring mananaliksik, nabuo ang espasyo ng turismong pangkultura sa simbahan dahil mayroon itong espasyo ng komersyalismo, pagninilay, at aliw. Maliban dito, sinuri din ng mananaliksik ang iba't ibang mga komoditi sa simbahan. Ilan sa mga produkto nito ay ang pagpapamisa, pagsusulat ng petisyon, pagbebenta ng langis, at mga souvenir. Dahil nakitaan ng oportunidad ng mga lokal ang umuusbong na industriya ng turismo sa lugar, nagtayo na ng iba't ibang mga negosyo upang makapaghanapbuhay. Sa dulo ng pananaliksik, tinalakay ng mananaliksik na ang kabuuan ng pananampalataya sa simbahan ng Simala ay nakadepende sa salapi o pagbili ng mga turista na nagmumula sa pagpunta sa simbahan hanggang sa kanilang pansariling pananampalataya. Sa katotohanan lamang, nabibigyang-katapat ng salapi ang kanilang pagpapakahulugan sa pananampalataya dahil na rin sa pagkokomodipika ng mga kuwento ng himala mula sa Our Lady of Fatima. Sa madaling salita, handang maglabas ang mga bumibisita ng pera upang mas mapaigting nila ang kanilang pananampalataya. 2016-01-01T08:00:00Z text https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2873 Bachelor's Theses Filipino Animo Repository Miracles--Philippines--Cebu City Tourism-- Philippines--Cebu City Culture Communication
institution De La Salle University
building De La Salle University Library
continent Asia
country Philippines
Philippines
content_provider De La Salle University Library
collection DLSU Institutional Repository
language Filipino
topic Miracles--Philippines--Cebu City
Tourism-- Philippines--Cebu City
Culture
Communication
spellingShingle Miracles--Philippines--Cebu City
Tourism-- Philippines--Cebu City
Culture
Communication
Santos, Mary Veronica P.
Aba komodipikasyong Maria: Ang simbahan ng Simala, Cebu bilang espasyo ng turismong pangkultura
description Ang pag-aaral na ito ay sumusuri sa pagtatagpo ng espasyo ng pananampalataya at komersyo na siyang bumubuo bilang espasyo ng turismong pangkultura sa simbahan ng Simala. Matatagpuan ang simbahan ng Simala sa Timog na bahagi ng Cebu. Kilala ito dahil sa mga milagro 'di umano ng imahen ng Our Lady of Fatima nang lumuha ito at ipagtanggol ang bayan ng Sibonga nang magkaroon ng epidemiko nong 1986. Dahil sa mga kuwentong ito, marami ang naging deboto ng simbahan na kinalaunan ay naging daan upang maitayo ang simbahan sa pangangasiwa ng Marian Monks Eucharistic Adoration (MMEA). Maliban sa naging espasyo ng pananampalataya ang simbahan ng Simala, naging espasyo na rin itong turisong pangkultuta dahil na rin sa naging pagda[g]sa ng mga dumarayo rito. Gamit ang teorya ni Melani Smith na postmodern cultural tourism, sinuri ng mananaliksik ang mga naratibo ng mga lokal at banyagang turista na dumarayo sa simbahan ng Simala. Dahil malaking bahagi rin ng simbahan ang himala, nagbigay ng mananaliksik ng iba't ibang mga tema at pagpapakahulugan ng himala na makikita sa simbahan ng Simala ayon sa panayam sa mga bisita at/o deboto ng simbahan. Maliban dito, tinukoy din ng mananaliksik ang mga kulturang umusbong sa simbahan ng Simala na nagpapaigting sa pananampalataya sa imahen ng Our Lady of Fatima gamit ang pagsusuri ng imahen ni Saussure. Gumamit din ng pagmamapa ang mananaliksik upang matukoy ang pisikal at kultural na espasyo ng simbahan sa pamamagitan ng paghahati nito sa tatlong parte: ang exterior ng simbahan, ang una, at ikalawang palapag ng interior ng simbahan. Base sa naging pagsusuring mananaliksik, nabuo ang espasyo ng turismong pangkultura sa simbahan dahil mayroon itong espasyo ng komersyalismo, pagninilay, at aliw. Maliban dito, sinuri din ng mananaliksik ang iba't ibang mga komoditi sa simbahan. Ilan sa mga produkto nito ay ang pagpapamisa, pagsusulat ng petisyon, pagbebenta ng langis, at mga souvenir. Dahil nakitaan ng oportunidad ng mga lokal ang umuusbong na industriya ng turismo sa lugar, nagtayo na ng iba't ibang mga negosyo upang makapaghanapbuhay. Sa dulo ng pananaliksik, tinalakay ng mananaliksik na ang kabuuan ng pananampalataya sa simbahan ng Simala ay nakadepende sa salapi o pagbili ng mga turista na nagmumula sa pagpunta sa simbahan hanggang sa kanilang pansariling pananampalataya. Sa katotohanan lamang, nabibigyang-katapat ng salapi ang kanilang pagpapakahulugan sa pananampalataya dahil na rin sa pagkokomodipika ng mga kuwento ng himala mula sa Our Lady of Fatima. Sa madaling salita, handang maglabas ang mga bumibisita ng pera upang mas mapaigting nila ang kanilang pananampalataya.
format text
author Santos, Mary Veronica P.
author_facet Santos, Mary Veronica P.
author_sort Santos, Mary Veronica P.
title Aba komodipikasyong Maria: Ang simbahan ng Simala, Cebu bilang espasyo ng turismong pangkultura
title_short Aba komodipikasyong Maria: Ang simbahan ng Simala, Cebu bilang espasyo ng turismong pangkultura
title_full Aba komodipikasyong Maria: Ang simbahan ng Simala, Cebu bilang espasyo ng turismong pangkultura
title_fullStr Aba komodipikasyong Maria: Ang simbahan ng Simala, Cebu bilang espasyo ng turismong pangkultura
title_full_unstemmed Aba komodipikasyong Maria: Ang simbahan ng Simala, Cebu bilang espasyo ng turismong pangkultura
title_sort aba komodipikasyong maria: ang simbahan ng simala, cebu bilang espasyo ng turismong pangkultura
publisher Animo Repository
publishDate 2016
url https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2873
_version_ 1772834646658121728