Ang pantawang pananaw ng mga YouTube video ni Mikey Bustos: Isang pagsusuring kritikal

Layunin ng pagsusuri na tingnan ang pantawag pananaw ng mga YouTube video ni Mikey Bustos. Tiningnan din ang umiiral na ideolohiya sa mga video at gagawan ng critical na pagsusuri ang mga ito. Sa malalimang pagsusuri ng mga video sa YouTube ni Mikey Bustos, makikita ang tema ng pagtangkilik niya sa...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Manalo, Ma. Angelica Lorraine R.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2016
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2877
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Layunin ng pagsusuri na tingnan ang pantawag pananaw ng mga YouTube video ni Mikey Bustos. Tiningnan din ang umiiral na ideolohiya sa mga video at gagawan ng critical na pagsusuri ang mga ito. Sa malalimang pagsusuri ng mga video sa YouTube ni Mikey Bustos, makikita ang tema ng pagtangkilik niya sa kultura at kulturang popular ng Pilipinas at pagkontra niya sa kolonyal na mentalidad sa pamamagitan ng paggawa niya ng parodiya ng mga sikat na banyagang kanta na naging parte na rin ng kulturang popular ng bansa. Gamit ang critical discourse analysis bilang paraan ng pagsusuri, susuriin ang limang YouTube videos na may pinakamaraming views na kakikitaan ng pagkontra sa kolonyal na mentalidad at pagtangkilik sa kultura. Gumawa ang mananaliksik ng mga criteria na susuriin batay sa teorya ni Andrew Goodwin sa kung saan sumuri ng mga music video. Gagamitin rin ang Pantawag Pananaw ni Rhoderick Nuncio sa pagsusuri ng kabuuan ng mga YouTube video ni Bustos. Susuriin rin ang naging reaksyon ng mga manonood batay sa mga iniwan nilang komento sa comment section ng bawat YouTube videos ni Bustos. Nakita nga na ang pagkontra sa kolonyal na mentalidad at pagtangkilik sa kultura ang umiiral na kaisipan sa mga video. Naging epektibo naman ang paggamit niya ng YouTube bilang platform upang maibahagi niya ang kanyang mga malikhaing ideya at mensahe na tangkilikin ang kultura at gawang Pilipino. Batay sa pagsusuri sa komento at reaksyon ng mga manonood, naging epektibo rin ang kanyang mga video na hikayatin ang mga manonood na ipagmalaki ang mga bagay na bumubuo sa identidad ng isang Pilipino.