Mula sex-on-call hanggang sex-on-facebook: Ang gamit ng teknolohiya sa transaksyon ng mga sex worker

Mula sa third wave feminist theory sa lenteng sex-positive feminism, sinuri ang kalakaran sa sex-on-call at sex-on-Facebook. Upang matuklasan ang epekto at kahalagahan ng paggamit ng mga sex worker ng teknolohiya sa kanilang pakikipag-ugnayan sa kustomer, nakipanayam ang mananaliksik sa limang sex-o...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Gatchalian, Ma. Sofia J.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2016
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2879
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Mula sa third wave feminist theory sa lenteng sex-positive feminism, sinuri ang kalakaran sa sex-on-call at sex-on-Facebook. Upang matuklasan ang epekto at kahalagahan ng paggamit ng mga sex worker ng teknolohiya sa kanilang pakikipag-ugnayan sa kustomer, nakipanayam ang mananaliksik sa limang sex-on-call worker at inobserbahan ang isang grupo sa Facebook na Philippines Sex Pay. Sinuri ang transaksyon sa pagitan ng sex worker at kustomer sa sex-on-call at sex-on-Facebook at mula dito, natuklasan ang papel ng teknolohiya sa pakikipag-ugnayan ng mga sex worker sa kustomer. Mula sa pananaliksik, ipinaliwanag ang pagkakaroon ng awtonomiya at kasarinlan ng sex worker sa kaniyang katawan at sekswalidad. Sinuri ang pagpresenta ng mga sex worker sa kanilang sarili at ang mga tugon ng mga kustomer. Ang sex worker ang naglalahad ng mga tuntunin ng sekswal na aktibidad na gaganapin at napag-alaman ang kahalagahan ng pagkilala sa awtonomiya at kasarinlan ng kababaihan sa kalakarang prostitusyon. Dahil itinuturing na kalakal ang pag-aalok ng sekswal na serbisyo, marapat na tratuhin ito sa ganitong palagay at makikita ito sa pagpresenta ng sex worker sa kaniyang sarili sa paggamit ng teknolohiya sa kaniyang mga transaksyon.