Mga tulang Tondo: Beinte uno

Para sa koleksiyon ng aking ng mga tula, naglibot at umikot ako sa Maynila, partikular sa Tondo para mabuklat at malantad sa aking mga mata ang iba't ibang realidad na nakatago sa Tondo na hindi masyadong nakikita ng mga karaniwang estudyante - tao - na nasa likod ng kanilang bakuran. Pinangala...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Rosario, Benedict Lim
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2018
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2951
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Para sa koleksiyon ng aking ng mga tula, naglibot at umikot ako sa Maynila, partikular sa Tondo para mabuklat at malantad sa aking mga mata ang iba't ibang realidad na nakatago sa Tondo na hindi masyadong nakikita ng mga karaniwang estudyante - tao - na nasa likod ng kanilang bakuran. Pinangalanan kong Beinte Uno ang aking koleksiyon na modernista, sosyo-reaslitiko at eksperimental mula sa isang larong kalsada. Ang larong ito ay parang karaniwang tayaan lamang ngunit ang kaibahan nito ay kapag-nataya ang isa, magiging dalawa na ang taya, kapag nakataya muli, magiging tatlo na ang taya at ito y tutuloy hanggang maging taya ang lahat ng nasa laro. Ninais kong gawin ang koleksiyong ito dahil gusto kong makataya ng iba't ibang pang mga taong makakabasa nito nang sa ganoon ay mailantad sa kanila ang tagong realidad na dinadanas ng mga kababayan natin. Sa paraang ito, ang mga katulad kong nababakuran ng pribilehiyo, kaginhawaan at kaligtasan ay magiging taya rin sa paglalantad ng totoong sitwasyon ng iba't ibang tao.