Ang konsepto ng pagkalinga at mga karanasan ng nagtatrabahong ina sa kasalukuyan

Ang pag-aaral na isinagawa ay diskriptibo na naglalarawan at nagbibigay liwanag sa konseptong pagkalinga at ang karanasan -- pamamaraan o alternatibong pagkalinga, mga kahirapan o suliranin, at mga solusyon ng mga nagtatrabahong ina. Ang mga kalahok ay may kabuuang bilang na 363 para sa sarbey at 36...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Cheng, Stephanie May Cham, Gonzales, Rhodora Velasco
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 1995
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/3750
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang pag-aaral na isinagawa ay diskriptibo na naglalarawan at nagbibigay liwanag sa konseptong pagkalinga at ang karanasan -- pamamaraan o alternatibong pagkalinga, mga kahirapan o suliranin, at mga solusyon ng mga nagtatrabahong ina. Ang mga kalahok ay may kabuuang bilang na 363 para sa sarbey at 36 naman para sa panayam na mga nagtatrabahong ina mula sa San Juan, Metro Manila. Ang pagpili ng kalahok sa pag-aaral ay sa pamamagitan ng purposive sampling . At tulad ng nabanggit, multi-method ang naging pamamaraan ng paglikom ng datos. Ang pagsusuri ng mga datos ay qualitatibo. Kinuha ang dalas ng kasagutan para sa mga close-ended na katanungan at content analysis para sa mga opened-ended na katanungan. Mula sa naging resulta, ang pagkalinga ay pagmamahal, pangangalaga, pagbibigay ng sarili, panahon, at oras, at pagtugon sa aspetong debelopmental, emosyonal, pisikal, intelektwal, at spiritwal ng mga anak. Ang karaniwang suliraning kanilang kinakaharap sa tahanan ay ang kakulangan sa oras at ang pag-aalaga ng anak. Sa trabaho naman, ang karamihan ng inaasahan at kailangang gawin sa trabaho ang kanilang problema. Natutugunan naman ang mga suliraning ito sa pamamagitan ng pansarili o personal na pag-angkop sa mga sitwasyon at ang paghingi ng tulong sa iba sa mga responsibilidad na kailangang gampanan tulad ng katulong, kamag-anak, at asawa. Para naman ssa alternatibong pagkalinga ng anak, katulong pa rin ang malimit na kaagapay sa tungkuling ito.