Pakialamera si mommy ... Pakialamero si daddy ... (Isang paglilinaw sa konsepto ng pakikialam na nagaganap sa ugnayan ng mga Pilipinong magulang at mga naglalabintaunin

Ang eksploratoryong pag-aaral na ito ay nagnanais na paunlarin ang pagpapaliwanag ng penomenon ng pakikialam sa konteksto ng mga Pilipino at suriin ng mabuti ang iba't ibang aspeto nito. Ipinokus ng mga mananaliksik ang pag-aaral sa pakikialam ng mga Pilipinong magulang sa kanilang mga adolesen...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Figueroa, Kitty Anne, Reyes, Rochelle L.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 1999
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/4455
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang eksploratoryong pag-aaral na ito ay nagnanais na paunlarin ang pagpapaliwanag ng penomenon ng pakikialam sa konteksto ng mga Pilipino at suriin ng mabuti ang iba't ibang aspeto nito. Ipinokus ng mga mananaliksik ang pag-aaral sa pakikialam ng mga Pilipinong magulang sa kanilang mga adolesente o maglalabintauning mga anak. Ang mga aspetong tatalakayin ay kinabibilangan ng sanhi ng pakikialam, sitwasyon kung saan o kailang nakikialam, pamamaraan ng pakikialam, reaksyon o aksyon sa pakikialam at ang mga maaaring maging epekto nito. Labindalawang estudyante ng Pamantasan ng De La Salle ang mga naging adolesenteng kalahok at labindalawang mga magulang na puros opisyal ng bangko. Gumamit ang mga mananaliksik ng gabay ng mga tanong upang mas lalong maging maganda ang daloy ng mga talakayan. Nagsagawa ng apat na ginabayang talakayan ang mga mananaliksik. Ang dalawa ay nilahokan ng mga adolesente at ang pangalawa ay nilahukan ng mga magulang. Ayon sa pagsusuri, ang mga Pilipinong magulang ay may iba't ibang sanhi at pamamaraan ng pakikialam. Naipakita din ang mga sitwasyon kung saan o kailan nakikialam ang mga magulang sa kanilang mga anak. Gayun din naman ang mga adolesente na may kanya-kanya ring reaksyon at kanya-kanya ding nagiging epekto ng pakikialam.