Paano pinauuso ang uso? Isang pag-aaral sa popularisasyon ng Chinovelang Meteor Garden

Isang pag-aaral ito patungkol sa kung paano ginagawang popular and hindi popular dito sa Pilipinas. Nilayong sagutin ang katanungang ito gamit ang Chinovelang Meteor Garden bilang susi sa pagtuklas sa formula at proseso ng pagpapasikat ng isang programa. Sinuri rito ang estratehiya at formulang gina...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Guinto, Angela Amor T., Chua, Joy Stephanie C.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2005
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/5044
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Isang pag-aaral ito patungkol sa kung paano ginagawang popular and hindi popular dito sa Pilipinas. Nilayong sagutin ang katanungang ito gamit ang Chinovelang Meteor Garden bilang susi sa pagtuklas sa formula at proseso ng pagpapasikat ng isang programa. Sinuri rito ang estratehiya at formulang ginamit ng estasyong ABS-CBN. Makikita na mula sa penomenong Meteor Garden, dumami ang bilang ng angkat na programa mula sa Asya.Lumabas sa pag-aaral ang apat na pinagsama-samang sangkap na bumubuo sa proseso ng popularisasyon ng Meteor Garden. Isa sa mahahalagang sangkap ang Synergy, o ang malawakang pangangampanya sa pamamagitan ng iba't ibang kasangkapang pangmidya na ginagawa bago pa magsimula ang programa at patuloy na ginagawa kahit na ipinapalabas na ito. Kabilang ang Stars o mga bida at sikat na artista sa palabas, ang pagkakaroon ng Magandang Kwento at ang apropriasyon ng wika o ang pagsalin sa wikang Filipino mula sa banyagang wika upang maintindahan ng Filipino odyens.Kung ihahanay sa isang matematikal na formula para sa matagumpay na programa, ganito ang kalalabasan: STARS+MAGANDANG KWENTO+WIKA+SYNERGY = HIT = SUCCESS.Napatunayan mula sa mga nakalap na datos ang extensyon ng popularisasyon ng Meteor Garden at mga pagbabagong naidulot sa topograpiya ng telebisyong Pinoy."