Kinalimutang pamana: Isang pag-aaral sa mga heritage site sa Binondo, Lungsod ng Maynila

Ang tesis na ito ay patungkol sa heritage sites ng Pilipinas sa anyo ng mga sinaunang istruktura at iba pang pook sa mga distrito ng Binondo at San Nicolas sa Lungsod ng Maynila (Sa riserts na ito, ang Binondo at San Nicolas ay itinuturing bilang isang Binondo), gamit ang konseptuwal na balangkas ni...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Pamorada, Stephen John A., Zialcita, Fernando
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2014
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/14948
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang tesis na ito ay patungkol sa heritage sites ng Pilipinas sa anyo ng mga sinaunang istruktura at iba pang pook sa mga distrito ng Binondo at San Nicolas sa Lungsod ng Maynila (Sa riserts na ito, ang Binondo at San Nicolas ay itinuturing bilang isang Binondo), gamit ang konseptuwal na balangkas ni Dr. Fernando Zialcita tungkol sa district studies. Ang mga distritong ito ay tahanan sa maraming pook na itinatayo bago sumapit ang Ikalawang Digmaang Daigdig, at sila ay tahimik na saksi sa mayamang nakaraan hindi lamang ng Binondo, kundi maging ng lungsod na siyang Kabisera ng bansa. Sa kasamaang palad, patuloy ang paggiba sa mga ito at ang madalas na ipinapalit ay mga modernong gusali na masasabing mas mababa ang kalidad o ang gamit kumpara sa pinagpalitan nito.Kaya naman nagsawa ng komprehensibong sarbey at pag-iimbentaryo sa lahat ng potensyal at tukoy na pre-war heritage sites sa Bindondo ng sa gayon ay makita ang magnityud ng kanilang pananatili sa lugar at magamit din ang nagawang tala bilang referens sa hinaharap at alinsunod din sa hangad ng gobyerno na masuri ang mga ito. Makikita ang baryasyon ng mga estilo ng arkitektura ng mga istruktura sa distrito, na nagpapakita ng natatanging karakter ng mga ito na makikita lamang sa naturang lugar.Kaugnay rito, titingnan din ang papel ng gobyerno sa pangangalaga ng mga heritage site na ito, gaay ng tungkulin ng partikular na mga personalidad sa pamahalaan, at batas na naglalaman ng polisya at pamantayan sa pagtukoy at pag protekta sa mga nasabing istruktrua. Sa tulong ng mga bagay na ito, mahihinuha ang mga bagay na dapat gawin sa hinaharap upang matanto ang potensyal ng mga heritage sites sa Binondo, at makagaawa ng plan tungo sa sustainable development ng distrito.