Kanluranin at Filipinong literaturang pambatang pantasya: komprehensyon at sariling identipikasyon ng mga bata sa dalawang antas ng mababang paaralan

Naghanap ang mga mananaliksik ng tig-isang alamat at kuwentong diwata na nagmula sa dalawang kultura: Kanluranin at Filipino. Sa paghahanap ay tiniyak na halos magkapareho ang mga nilalaman ng istorya. Gumawa ng pagsusulat sa komprehensyon at panubok sa sariling identipikasyon ang mga mananaliksik n...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Lim, Imie F., Pongol, Caroline, Solapco, Oscar P., Jr.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 1993
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/5859
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Naghanap ang mga mananaliksik ng tig-isang alamat at kuwentong diwata na nagmula sa dalawang kultura: Kanluranin at Filipino. Sa paghahanap ay tiniyak na halos magkapareho ang mga nilalaman ng istorya. Gumawa ng pagsusulat sa komprehensyon at panubok sa sariling identipikasyon ang mga mananaliksik na mayroong makabuluhang pagkakaiba sa komprehensyon at sariling identipikasyon ayon sa tatlong baryabol: (1) kulturang pinagmulan ng istorya (Kanluranin o Filipino, (2) anyo ng literatura (alamat o kuwentong diwata) at (3) antas ng mga bata sa paaralan (ikatlo o ikalimang baitang). Upang subukan kung ang hipotesis na ito ay totoo ay kumuha ng 288 na kalahok sa tatlong paaralan na akreditado ng PAASCU. Pinabasa ng istorya (Mariang Sinukuan, Ang Prinsesang Unggoy, The Prince Who Married a Frog, The Magic Grinder) ang bawat bata at pagkatapos ay binigyan ng pagsusulit sa komprehensyon at panubok sa sariling identipikasyon (dahil sa 'mortality', naging 287 na lang ang mga kalahok). Ang level of significance ay itinakda sa .05. Gumamit ng three-way analysis of variance para sa resulta ng knomprehensyon at chi square test at Fisher test para sa resulta ng sariling identipikasyon upang malaman kung ang mga pagkakaiba ay makabuluhan. Napatunayan ng mga resulta na mayroong makabuluhang pagkakaiba sa komprehensyon ayon sa anyo ng literatura at antas sa paaralan. Mas naiintindihan ng mga bata ang mga alamat kaysa kwentong diwata. Mas mataas naman ang pag-unawa ng mga nasa ikalimang baitang. Nakumpirma rin na mayroong makabuluhang pagkakaiba sa sariling identipikasyon ng mga bata ayon sa anyo ng literaturang binasa. Nagkaroon ng identipikasyon ang mga bata sa mga tauhang may positibong katangian sa kwentong diwata. Nagkaroon naman ng identipikasyon ang mga bata sa tauhang nagtataglay ng negatibong katangian sa binasang alamat.