Pag-aagapay ng mga magulang sa kanilang anak na autistic at ang tulong ng mga institusyon sa kanilang pag-aagapay
Isang pananaliksik ang isinagawa hinggil sa autism at ang pokus ng pag-aaral ay ang mga pamamaraan ng pag-aagapay ng mga magulang sa kanilang anak na autistic. Kasama rito, ay gusto ring malaman ng mga mananaliksik kung papaano nakakatulong ang mga institusyon sa pag-aagapay ng mga magulang.Ang mga...
Saved in:
Main Authors: | , , |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
1993
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/6003 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Isang pananaliksik ang isinagawa hinggil sa autism at ang pokus ng pag-aaral ay ang mga pamamaraan ng pag-aagapay ng mga magulang sa kanilang anak na autistic. Kasama rito, ay gusto ring malaman ng mga mananaliksik kung papaano nakakatulong ang mga institusyon sa pag-aagapay ng mga magulang.Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito, ay anim na pares ng mga magulang at tatlong ina na kung saan na-interbyu na wala ang kanilang mga asawa. Sila ay nagmula sa tatlong institusyon (Hope, The Learning Center, Elks Cerebral Palsy Rehabilitation Center). Sila ay nakapanayam ng mga mananaliksik at ang mga katanungan ay nahahati sa tatlong seksyon, background ng bata, background ng mga magulang, at mga pamamaraan na ginagamit ng mga magulang sa pag-aagapay sa kanilang anak na autistic. Maliban dito ay nakapanayam din ng grupo ang mga opisyal ng tatlong institusyon.. Base sa mga resulta na nakuha ng grupo, napakita rito na ang pinakamainam na paraan ng pagaagapay ay ang pagtanggap ng mga magulang ng maluwag sa loob ang kakaibang kalagayan ng kanilang anak. Ilan pa sa mga paraan ng pag-aagapay ay ang pagbigay ng pagmamahal sa bata, pagpasok ng bata sa isang espesyal na institusyon at makakatulong din kung ang mga kapatid ng batang autistic ang kasama ng mga magulang sa pagbigay ng atensyon at pagmamahal sa bata. |
---|