Ang konsepto ng pambababae at panlalalake

Ang pinakamahalagang hangarin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang konsepto ng pambababae at panlalalake sa may asawa at walang asawa. Nakaangkop din sa konsiderasyon ang mga sumusunod na sanhi: ang mga dahilan kung bakit ginagawa ang ganitong bagay, ang mga manipestasyon na puwedeng makita o ma...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Dy, Gaylord, Ng, Tiffany, So, Arlene
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 1995
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/6189
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang pinakamahalagang hangarin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang konsepto ng pambababae at panlalalake sa may asawa at walang asawa. Nakaangkop din sa konsiderasyon ang mga sumusunod na sanhi: ang mga dahilan kung bakit ginagawa ang ganitong bagay, ang mga manipestasyon na puwedeng makita o maramdaman, ang mga reaksyon sa ganitong kinalabasan at ang mga sitwasyon kung saan tinuturing na pambababae at panlalalake ang isang pangyayari. Para lalong mapabuti ang pag-aaral, ang mga sumusunod na dimensyon ay isinama. Ang mga ito ay ang sumusunod: Beheybyoral, Emosyonal, Kognitibo at ang kombinasyon ng mga ito. Sa deskiptibong pag-aaral na ito ay gumamit ang mga mananaliksik ng pagtatanong-tanong. Ang mga datos ay nasuri sa pamamagitan ng kontent analisis. Ang resulta ay nagpapatunay na may kaibahan ang konsepto na pambababae para sa mga may asawa at walang asawa. Para sa may asawa, ang kanyang dahilan ay mas nakapokus sa problema ng buhay mag-asawa, ang mga pagkukulang, mga pananaw sa buhay at ang hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa sa isa't-isa. Samantalang, para sa walang asawa, ang pambababae ay isang paraan upang mapatunayan ang kanilang mga sarili na sila ay totoong lalake, upang mabigyan ng satispaksyon ang sarili. Para naman sa mga dahilan ng mga babaeng may asawa at walang asawa kung bakit sila nanlalalake, ay dahil sa gusto nilang gumanti sa kanilang asawa o nobyo man at dahil din sa galit na kanilang naramdaman. Ngunit ang panlalalake ng may asawa ay base sa problemang marital, ang sa walang asawa naman ay may halong kuryusidad at kagustuhang maramdaman ang ganitong gawain.