Ang penomenon ng pagpapalusot ayon sa mga mag-aaral at nagtratrabaho batay sa kasarian

Ang pananaliksik na ito ay isang exploratory descriptive na naglayon na mabigyang linaw ang penomenon ng pagpapalusot.Ang ginamit na metodo sa paglikom ng datos ay ang pakikipagkuwentuhan at ginabayang talakayan. Nagkaroon ng isang daan at dalawamput siyam na kalahok sa pakikipagkuwentuhan at dalawa...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Cabangon, Marianne J., Castillo, Sonia Pia F., Lim, Ma. Christina O.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 1995
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/6272
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang pananaliksik na ito ay isang exploratory descriptive na naglayon na mabigyang linaw ang penomenon ng pagpapalusot.Ang ginamit na metodo sa paglikom ng datos ay ang pakikipagkuwentuhan at ginabayang talakayan. Nagkaroon ng isang daan at dalawamput siyam na kalahok sa pakikipagkuwentuhan at dalawamput dalawang kalahok sa ginabayang talakayan. Ang ginabayang talakayan ay nagkaroon ng apat na pangkat na nahahati sa mga mag-aaral at nagtratrabaho-babae at lalaki. Ang pakikipagkuwentuhan ay ginamit lamang na metodo para makakuha ng pangunahing datos. Ang mga datos na ito ang ginamit upang makabuo ng mga katanungan para sa ginabayang talakayan.Lumabas sa nalikom na datos na ang pagpapalusot sa grupo ng mga babae-mag-aaral man o nagtratrabaho ay nangangahulugan ng pag-iwas sa kahihiyan. Nagkaiba naman ang pananaw ng mga lalaki, para sa mga mag-aaral ito ay pag-iwas din sa kahihiyan, samantalang para sa mga nagtratrabaho ito ay isang pagtatakip. Nagkaisa naman ang apat na pangkat sa pagsasabi na ang pangangatuwiran ay ang pagsasabi ng inaakalang totoo. Lahat ng pangkat ay nagsaad rin ng iisang pananaw na ang pagsisinungaling ay ang pagsasabi ng kabaligtaran ng inaakala at o napatunayang totoo.Ang pagpapalusot ngayon ay puwedeng masabi na isang depensang mekanismo dahil ayon nga kay Valliant (1977) ang mekanismong ito ay ginagamit ng ego sa kanyang pagtatanggol sa sarili. Sa ganitong paraan, ang pagpapalusot ay ginagamit ng isang tao kapag siya ay napapahiya o di kaya ay para makatakas.