Bakit ako mahihiya: Isang pag-aaral ng konsepto ng hiya sa konteksto ng pagpapalaki ng anak
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang maliwanagan ang konsepto ng Hiya sa konteksto ng pagpapalaki ng anak. Buhat sa mga pagbabalik aral sa kaugnay na literatura, napagalaman na malaki ang nagiging impluwensiya ng hiya sa katauhan ng isang tao. Para sa pananaliksik na ito, ang mga punong sulira...
Saved in:
Main Authors: | , , |
---|---|
Format: | text |
Language: | English |
Published: |
Animo Repository
1996
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/6341 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | English |
Summary: | Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang maliwanagan ang konsepto ng Hiya sa konteksto ng pagpapalaki ng anak. Buhat sa mga pagbabalik aral sa kaugnay na literatura, napagalaman na malaki ang nagiging impluwensiya ng hiya sa katauhan ng isang tao. Para sa pananaliksik na ito, ang mga punong suliranin na binigyang tuon ay ang mga sumusunod: 1. Paano ginagamit ang hiya ng mga magulang sa iba't-ibang SES sa tatlong sistema ng komunikasyon? 2. Paano ito ginagamit sa tatlong unang antas na debelopmental? 3. Sa anu-anong mga sitwasyon ginagamit ang hiya? 4. Ano ang dahilan ng paggamit nito? 5. Ano ang naidudulot nito sa panloob at panlabas na pakuldad ng tao? Ang mga kalahok ay binubuo ng 21 na mga adolesents para sa malalimang pakikipanayam at 30-42 na mga magulang para sa FGD mula sa tatlong SES. Ang mga kalahok ay kinuha sa pamamagitan ng paggamit ng Purposive Sampling Referal method. Napagalaman na mas mataas ang SES ng magulang, mas gumagamit ng berbal habang, mas mababa ang SES, mas gumagamit ng di berbal na pamamaraan. Napag-alaman din na gumagamit ng direktang pagpapahatid ng hiya ang mga magulang kapag walang tao. Gumagamit naman ng hind direktang pagpapahatid ng hiya kapag may ibang tao. Base rin sa pagsusuri ng mga datos, napag-alaman na ang puno't dulo ng paggamit ng hiya ay ang pansariling kahihiyan ng magulang. |
---|