Beer, barkada, at pagbubukas-loob: Isang pagsusuri sa ugnayan ng tatlong baryabol at mga prosesong nagaganap sa inuman

Sa pagsasagawa ng pag-aaral, nais malaman ng mga mananaliksik ang ugnayan patungkol sa tatlong baryabol. Ang pag-inom ng beer, barkada at pagbubukas-loob. Nais rin makita ng mga mananaliksik ang mga prosesong nagaganap sa isang inuman, ang mga persepsyon tungkol sa beer at barkada, at ang mga yugton...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Bautista, Allan Joseph S., Sychinghon, Jackson W., Tercero, Norberto A.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 1993
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/6351
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Sa pagsasagawa ng pag-aaral, nais malaman ng mga mananaliksik ang ugnayan patungkol sa tatlong baryabol. Ang pag-inom ng beer, barkada at pagbubukas-loob. Nais rin makita ng mga mananaliksik ang mga prosesong nagaganap sa isang inuman, ang mga persepsyon tungkol sa beer at barkada, at ang mga yugtong bumubuo sa pagkamit ng pagbubukas-loob. Ang disenyo ng pag-aaral ay descriptive at may kahalong exploratory. Sa paggawa ng pag-aaral, ang mga mananaliksik ay gumamit ng metodong participant observation at mga probing questions upang makakuha ng datos. Habang ang pag-aaral ay isinasagawa, sila ay gumawa ng indikeytors para malaman kung ang isang yugto ay nakamit na. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng dalawang barkada bilang kalahok. Ang isang grupo ay binubuo ng tatlo hanggang limang katao at gumawa ng mga pagtatakda para sa pagkuha ng mga kalahok. Nag-imbita sila ng grupo ng mga estudyante at grupo ng mga propesyonal. Ang bawat grupo ay nakapanayam ng dalawang beses. Sa pamamagitan ng questionnaire guide , tinanong ang mga kalahok tungkol sa mga baryabol. Dito inobserbahan ng mga mananaliksik ang mga sagot at ang mga nagaganap na proseso. Parehong nakamit ng dalawang grupo ang huling yugto na itinakda --- ang pagbubukas-loob. Dito makikita at mapapansin na hindi lamang kasiyahan ang makukuha sa inuman. Ang pagbubukas-loob ay isang pagpapatunay na maraming naitutulong ang beer. Ito ay hindi puros kasamaan at may naidudulot ding kabutihan. Ang mga lalake ay nagtitipon-tipon upang ilabas ang tunay na pagkatao. Isang ritwal na tumutulong sa mga lalake na magpakatunay at maglabas ng saloobin.