Ang pagsisinungaling ayon sa mga kabataang Pilipino

Ang eksploratoryong pag-aaral na ito ay tungkol sa pagsisinungaling ng mga kabataang Pilipino. Ang pangkalahatang depinisyon at proseso nito (kailan, saan, at kanino), ang depinisyon at mga uri nito ayon sa tatlong baryabol na isinaalang-alang ay binigyang kahalagahan ng mga mananaliksik. Ang mga ba...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Badiola, Lovella A., Corpus, Ma. Anne C., Navarette, Albert Roy P.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 1995
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/6966
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang eksploratoryong pag-aaral na ito ay tungkol sa pagsisinungaling ng mga kabataang Pilipino. Ang pangkalahatang depinisyon at proseso nito (kailan, saan, at kanino), ang depinisyon at mga uri nito ayon sa tatlong baryabol na isinaalang-alang ay binigyang kahalagahan ng mga mananaliksik. Ang mga baryabol ay ang kasarian (babae at lalaki), antas sa mataas na paaralan (una hanggang ika-apat), at ang antas pangsosyo-ekonomiko (mababa at mataas). Napag-alaman ang mga tugon ng mga kalahok sa pamamagitan ng dalawang metodo, ang pakikipagkwentuhan at ang sarbey. Ang kabuuang bilang ng mga kalahok ay 336 25 para sa metodong pakikipagkwentuhan at 311 para sa metodong sarbey. Ang mga nakalap na datos ukol sa depinisyon ng pagsisinungaling ay ang hindi pagsabi ng totoo at isang ugaling karaniwan sa tao. Ang mga kabataan ay nagsisinungaling kapag may ninanais silang makamit para sa kanilang sarili, upang maprotektahan ang ibang tao, dala ng takot, dulot ng pagmamalasakit, at ng pagkalito. Sila ay mas madalas magsinungaling sa kanilang mga tahanan partikular na sa kanilang mga magulang.