Ang konsepto ng pandaraya mula sa pananaw ng mga batang Pilipino

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa konsepto ng pandaraya mula sa pananaw ng mga batang Pilipino. Binigyang pansin nito ang apat na lunang ginagalawan ng mga bata -- pamilya, paaralan, komunidad, at barkada. Ang mga naging kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa tatlong paaralang nagr...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Co, Bernice Cheng, Dy, Giselle Ngo, Tejada, Novelynn Adefuin
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 1992
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/7074
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa konsepto ng pandaraya mula sa pananaw ng mga batang Pilipino. Binigyang pansin nito ang apat na lunang ginagalawan ng mga bata -- pamilya, paaralan, komunidad, at barkada. Ang mga naging kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa tatlong paaralang nagrerepresinta ng tatlong antas pangsosyo-ekonomiko--mababa, gitna, at mataas na antas. Ang mga kalahok na ito ay mga batang lalaki't babae na 7-8 at 11-12 na taong gulang na napili sa pamamagitan ng stratified random sampling . Ang disenyo ng pag-aaral ay deskriptibo. Dalawang metodo ang ginamit sa paglakap ng datos -- ang pakikipagtalakayan at ang sarbey. Sinuri naman ang mga nalakap na datos sa pamamagitan ng content analysis at paggawa ng percentage table . Mula sa kasagutan ng mga kalahok, napag-alaman na ang kanilang pananaw ukol sa pandaraya ay nagpapahiwatig ng pagiging masama nito tulad din ng paghusga nila sa madadayang pagkilos na natutuon sa sidhing masama at masamang-masama. Nakita rin na ang pangkaraniwang konsepto ng lahat ng mga kalahok sa pandaraya ay ang pagkuha ng gamit ng iba. Napag-alaman pa na epektibo ang mga baryabol na edad at antas pangsosyo-ekonomiko sa pagbuo ng konsepto ng mga bata ukol sa pandaraya ngunit ang baryabol na kasarian naman ay hindi gaanong makabuluhan. Nalaman din na ang pagkaka-iba-iba ng konsepto ng mga kalahok ay umaayon sa lunang tinatalakay.