Ang kalungkutan ng mga bata: Konsepto, sanhi, at manipestasyon

Pinag-aralan sa pananaliksik na ito ang konsepto, sanhi at manipestasyon ng kalungkutan sa mga piling batang Pilipino na may edad mula siyam (9) hanggang labing-dalawa (12). Pinagtuunan ng pansin ang dalawang salik na uri ng pamilya at kasarian. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng purposive sampli...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Edralin, Joanna, Homo, Cindy, Siriban, Editha
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 1995
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/7076
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Pinag-aralan sa pananaliksik na ito ang konsepto, sanhi at manipestasyon ng kalungkutan sa mga piling batang Pilipino na may edad mula siyam (9) hanggang labing-dalawa (12). Pinagtuunan ng pansin ang dalawang salik na uri ng pamilya at kasarian. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng purposive sampling sa pagpili ng mga kalahok. Sa kabuuan ay mayroong tatlumpu't-tatlong (33) na batang kalahok at walong (8) matatandang kalahok. Ang bilang naman ng kalahok na mula sa uri ng pamilya ay labing-siyam (19) para sa buong pamilya at labing-apat (14) naman mula sa di-buong pamilya. Ang ginamit na metodo ay ang pakikipanayam. Ang mananaliksik ay gumamit din ng tape recorder habang nakikipanayam. Ang pagsusuring ginamit ay ang content analysis . Sa pamamagitan nito ay bumuo ng mga kategorya na siyang naglarawan sa konsepto, sanhi, ay manipestasyon na ukol sa kalungkutan. Ginamit ang disenyong paggagalugad. Mula sa sagot ng mga kalahok, napag-alaman na ang kalungkutan ay naiuugnay sa iba't-ibang termino. Ang sanhi ay mula sa mga sitwasyon. Ito ay hindi nakikita bilang katangian ng isang tao. Wala gaanong pagkakaiba sa sagot ang mga bata ayon sa uri ng pamilya at kasarian.