Konsepto ng pagkababae

Ang pag-aaral na ito ay sumisiyasat sa konsepto ng pagkababae ng mga Pilipinong lalaki at babae, taga-lungsod at taga-lalawigan, binata't dalaga at matanda, at mga taong nagmula sa mababa, gitna, at mataas na antas pangsosyo-ekonomiko. Tiningnan din ang pagkakahalintulad at pagkakaiba ng konsep...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Cheong, Shirley, Saranillo, Sharon Valerie, Verzo, Ma. Rowena
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 1994
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/7078
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang pag-aaral na ito ay sumisiyasat sa konsepto ng pagkababae ng mga Pilipinong lalaki at babae, taga-lungsod at taga-lalawigan, binata't dalaga at matanda, at mga taong nagmula sa mababa, gitna, at mataas na antas pangsosyo-ekonomiko. Tiningnan din ang pagkakahalintulad at pagkakaiba ng konsepto ng pagkababae ayon sa apat na nabanggit na baryabol.Convenience sampling ang ginamit sa pagpili ng lugar na pinagsagawaan ng pag-aaral. Napili ang Brgy. San Gregorio at Brgy. San Pedro ng Nueva Ecija upang kumatawan sa lalawigan, at Brgy. 169 ng Malibay, Pasay at Brgy. 784 ng Sta. Ana, Manila upang kumatawan sa lungsod. Ang 720 na kalahok ay napili sa pamamagitan ng pagra- random sampling . Gumamit ng Survey Questionnaire ng Social Weather Station upang malaman ang antas pangsosyo-ekonomiko ng bawat kalahok. Ang metodong sarbey at pakikipagkuwentuhan ay isinagawa ng mga mananaliksik upang makakuha ng datos sa konsepto ng pagkababae ng mga kalahok. Ginamit sa pagsusuri ng datos mula sa sarbey ang frequency count at pagsusuma sa mga ranggo. Nagsagawa naman ng pag-aanalisa sa mga nilalaman para sa mga datos na nalikom mula sa pakikipagkuwentuhan. Batay sa mga resulta, ang maamong mukha, hanggang balikat ang buhok, malinis ang pangangatawan, ayon sa okasyon manamit, di-nakabukaka umupo, mahinhin maglakad, malumanay magsalita, kumportable makiharap sa ibang tao, mapagmahal at isip at damdamin ang ginagamit sa pag-iisip ang lumabas na konsepto ng pagkababae ng mga Pilipino. Halos magkakahalintulad at walang gaanong pagkakaiba ang konsepto ng pagkababae ayon sa apat na baryabol.