Ang konsepto ng pagpapatawa ng kabataang Pilipino

Ibig malaman ng pag-aaral na ito ang konsepto ng pagpapatawa ng kabataang Pilipino. Tinalakay ng papel na ito ang layunin at uri ng pagpapatawa ng mga kabataang nasa iba't-ibang antas pang-sosyo-ekonomiko. Napag-alaman sa papel na ito ang kaibahan ng mga kabataan mula sa mababa, gitna, at mataa...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Constantino, Gayle P., Encarnacion, Ma. Loida P., Palomar, Cherryl B.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 1995
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/7079
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ibig malaman ng pag-aaral na ito ang konsepto ng pagpapatawa ng kabataang Pilipino. Tinalakay ng papel na ito ang layunin at uri ng pagpapatawa ng mga kabataang nasa iba't-ibang antas pang-sosyo-ekonomiko. Napag-alaman sa papel na ito ang kaibahan ng mga kabataan mula sa mababa, gitna, at mataas na antas pang-sosyo-ekonomiko sa kanilang layunin na pagpapatawa. Gayun pa man, nalaman din ang pagkakatulad ng mga kabataan mula sa iba't-ibang antas, pagdating sa uri ng pagpapatawa. Nakipagkwentuhan ang mga mananaliksik sa 10 grupo ng kabataan na may edad na 13 hanggang 21, mula sa iba-'t-ibang antas pang-sosyo-ekonomiko. Ginawang batayan ang paaralan ng mga kalahok sa pagdetermina ng kanilang antas. Ang pampublikong paaralan ay pinalagay na nasa mababang antas, ang karaniwang unibersidad o kolehiyo bilang gitna, at ang isang kilala at pribado o eksklusibong pamantasan ang sa mataas na antas. Ang paggamit ng katutubong metodo ng pakikipagkwentuhan ay hindi gaanong naisakatuparan, bagkus kumuha lamang ng ilang aspeto sa metodong ito, gaya ng pakikipag-palagayang-loob at impormal na pagsasalaysay ng opinyon ng kalahok. Tinangka na makabuo ng konsepto ng pagpapatawa ng kabataan ngunit dahil sa hindi masyadong malawak ang pag-aaral, nakakalap na lamang ng layunin at uri ng pagpapatawa ng mga kabataang kalahok.