Ang penomenon ng pagseselos sa heterosekswal at homosekswal na romantikong relasyon

Ang pag-aaral na ito ang tumutukoy sa penomenon ng pagseselos na nararanasan sa heterosekswal at homosekswal na romantikong relasyon. Nais ng pag-aaral na ito na mapalawak ang kaalaman ukol sa kognitibo, pagkilos at pandamdaming aspeto ng pagseselos. Makikita rin sa pag-aaral na ito ang pagkakaiba a...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Guzman, Arland G., Lipana, Meliza C., Mesugas, Grace R.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 1995
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/7247
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang pag-aaral na ito ang tumutukoy sa penomenon ng pagseselos na nararanasan sa heterosekswal at homosekswal na romantikong relasyon. Nais ng pag-aaral na ito na mapalawak ang kaalaman ukol sa kognitibo, pagkilos at pandamdaming aspeto ng pagseselos. Makikita rin sa pag-aaral na ito ang pagkakaiba at pagkakapareha ng penomenon ng pagseselos sa heterosekswal at homosekswal na relasyon. Gumamit ang pag-aaral na ito ng isang metodong naglalarawan. Sarbey ang ginamit sa pag-aaral. Nabuo ang sarbey sa pamamagitan ng focus group discussion. Naging kasapi sa pag-aaral na ito ang tatlong daan at limampu't-isang mga kalahok (100 lalaki, 100 babae, 100 homosekswal na lalaki at 51 homosekswal na babae) para sumagot ng sarbey. Ang mga datos ay sinuri sa pamamagitan ng pagbilang ng mga tugon at pagkakaroon ng kwalitibong na pagsusuri. Base sa pag-aaral, napag-alaman na ang penomenon ng pagseselos ay may kinalaman sa pagkakaroon ng takot na mawala ang minamahal. May mga pagkakataon na nagkapareho at nagkaiba ang mga heterosekswal at homosekswal na relasyon sa pananaw nila sa penomenon ng pagseselos.