Pag-angkop at pagtugon sa mga pagbabago ng mga dating seminarista

Ang deskriptibong pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga buhay ng dating religious na mga seminarista, kung paano sila nakapag-aangkop sa mga pagbabagong kanilang naranasan: ispiritwal, sosyal, sikolohikal at pagtatrabaho, at kung paano nila natugunan ang lahat ng mga pagbabagong ito. 12 ang naging...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Go, Sarah Lyn, Lim, Jane Sherrelyn C., Lo, Antonette
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 1997
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/7355
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang deskriptibong pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga buhay ng dating religious na mga seminarista, kung paano sila nakapag-aangkop sa mga pagbabagong kanilang naranasan: ispiritwal, sosyal, sikolohikal at pagtatrabaho, at kung paano nila natugunan ang lahat ng mga pagbabagong ito. 12 ang naging kalahok sa pag-aaral na ito. Sila ay may edad na 20-28 taong gulang at pawang naninirahan sa loob ng Metro Manila. Pakikipagkuwentuhan ang pamamaraan na ginamit upang malakap ang mga datos na kailangan at content analysis naman sa pagsusuri ng datos. Lumabas sa resulta na maraming mga pagbabago silang naranasan mula nang sila ay lumabas sa seminaryo. At upang matugunan ang mga pagbabagong ito ay gumamit sila ng iba't-ibang pamamaraan katulad ng paghaharap sa problema, pagkuha ng suporta sa kaibigan at pamilya, positibong pananaw sa buhay, pagdarasal at pagtanggi na sila ay nahaharap sa pagbabago katulad ng panonood ng sine. Ang mga resulta ay naayon lamang sa mga kalahok na sumailalaim sa pag-aaral na ito.