Pa, mahal kita!: Pagpapahayag ng pagmamahal at pagpapahalaga ng mga anak na lalaki sa kanilang ama sa iba't-ibang yugto ng buhay-lalaki at gender-role orientation

Nilalayon ng pag-aaral na ito na alamin ang mga pamamaraan ng pagpapahayag ng pagmamahal at pagpapahalaga ng mga Pilipinong anak sa kanilang mga ama. Sa pagkalap ng datos, kinapanayam ng mga mananaliksik ang 54 kalahok na pinangkat-pangkat ayon sa gender role orientation at yugto ng buhay-lalaki upa...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Miyake, Regiff Masaki M., Sucgang, Justin DJ.
Format: text
Language:English
Published: Animo Repository 2009
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/7593
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: English
Description
Summary:Nilalayon ng pag-aaral na ito na alamin ang mga pamamaraan ng pagpapahayag ng pagmamahal at pagpapahalaga ng mga Pilipinong anak sa kanilang mga ama. Sa pagkalap ng datos, kinapanayam ng mga mananaliksik ang 54 kalahok na pinangkat-pangkat ayon sa gender role orientation at yugto ng buhay-lalaki upang malaman kung mayroon nga bang pagkakaiba sa kanilang mga paraan. Gamit ang content analysis, magkahiwaly na bumuo ng tema ang mga mananaliksik saka nila pinaghambing upang maiwasan ang pagkiling. Lumabas na mayroong munting pagkakaiba sa mga pamamaraan sa iba't-ibang gender role orientation na kinabibilangan nang lumabas ang di-verbal na paraan sa androgynous bukod sa paggalang, pagsuporta at pakikilahok na matatagpuan naman sa ibang oryentasyon. Mayroon ding munting pagkakaiba sa mga paraan sa iba't-ibang yugto ng buhay-lalaki. Bukod sa paggalang at pagsuporta, matatagpuan lamang ang paraang di-verbal sa una at ikalawang yugto habang ang gawaing pakikilahok ay sa ikalawa at huli naman. Sa pangkalahatan, ang mga Pilipinong anak ay nagpapahayag ng kanilang pagmamahal at pagpapahalaga sa kanilang ama sa pamamagitan ng pasuporta at paggalang. Malimit nila itong gawin sa bahay, simbahan at mga mall. Ayon din sa kanila, naipapahayag lang ang mga ganitong saloobin kapag mayroong pagkakataon kasama ang ama.