Sinok sa kontekstong Filipino

Ang pag-aaral tungkol sa sinok ay nabuo mula sa marami at magkakasunod na proseso. Nagsimula ang pag-aaral sa layuning makuha ang mga sagot sa mga tanong tungkol sa depinisyon/kahulugan ng sinok sa kontekstong Pilipino ang dahilan nito paraan ng panglunas kung gaano ka-epektibo ang mga panglunas na...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Ong, Jocelyn C., Rempillo, Ma. Celeste T., Samala, Ma. Christine
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 1996
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/7932
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang pag-aaral tungkol sa sinok ay nabuo mula sa marami at magkakasunod na proseso. Nagsimula ang pag-aaral sa layuning makuha ang mga sagot sa mga tanong tungkol sa depinisyon/kahulugan ng sinok sa kontekstong Pilipino ang dahilan nito paraan ng panglunas kung gaano ka-epektibo ang mga panglunas na makukuha ang mga inaakalang epekto at kung sino ang kadalasang nilalapitan/hinihingan ng payo kapag sinisinok ang tao at kung sino ang madalas sinukin. Dahil sa wala pang nagawang pag-aaral tungkol sa sinok, masasabing ang pag-aaral na ito ay paggalugad. Ang mga kalahok ay binubuo ng dalawang grupo. Isa ay grupo ng mga dalubhasang doktor sa Internal Medicine na may karagdagang espesyalisasyon sa Gastroenterology para sa siyentipikong tagpuan. Ang kabilang grupo naman ay ang lupon ng mga nakakatandang may edad 30 pataas na naging kalahok ng tradisyunal na tagpuan. Gumamit ng dalawang gabay na katanungan sa paglilikom ng datos, isa para sa siyentipikong tagpuan at isa para sa tradisyunal na tagpuan. Ang paraan ng paglilikom ng datos na ginamit ay ang pagtatanung-tanong na humantong sa pakikipagkwentuhan para sa mga kalahok sa tradisyunal na tagpuan at malalimang pakikipagpanayam naman para sa mga kalahok sa siyentipokong tagpuan. Mula sa resulta ay nakita na hindi makapagbigay ang mga dalubhasa ng depinisyon ng sinok na maipapaliwanag ng siyensiya. Ang konsepto ng sinok sa kontekstong Pilipino ay narating sa pamamagitan ng pagtingin sa ugnayan ng mga kasagutan ng mga kalahok sa tradisyunal at sa siyentipokong tagpuan. Nagkaroon ng pagkakaiba sa depinisyon ng sinok sa tradisyunal at siyentipikong tagpuan. Dahilan dito masasabi na ang sinok ay isang indexical expression. Maraming mga dahilan sa sinok at epektibong panglunas ang nagawa at ginagamit ng mga tao sa probinsiya (tradisyunal na tagpuan) at may ilan sa mga ito ay tumutugma o may pagkakapareho sa paraan ng panglunas sa siyentipikong tagpuan. Ang kadalasan na hinihingan ng payo ay ang mga matatanda at madalas naman sinukin ang mga bata. Nakita din