Ayoko nang magtago, maglaladlad na ako! Isang pag-aaral ukol sa proseso ng paglaladlad ng mga piling homosekswal

Ang deskriptibong pag-aaral na ito ay isinakatuparan upang matuklasan ang proseso ng paglaladlad ng mga lalaking homosekswal at babaing homosekswal. Ipinakita ang mga hakbang sa proseso ng paglaladlad ng mga lalaking homosekswal at babaing homosekswal dito sa Pilipinas at inihambing kung ano ang mga...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Baes, Romana O., Domingo, Raquel Francis, Vallesteros, Vivien Marie A.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 1995
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/7960
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang deskriptibong pag-aaral na ito ay isinakatuparan upang matuklasan ang proseso ng paglaladlad ng mga lalaking homosekswal at babaing homosekswal. Ipinakita ang mga hakbang sa proseso ng paglaladlad ng mga lalaking homosekswal at babaing homosekswal dito sa Pilipinas at inihambing kung ano ang mga pagkakatulad at pagkakaiba nito sa isa't-isa. Ang teoretikal na balangkas ni Berger (1983) ang naging pansamantalang batayan ng mga mananaliksik at sinikap na makagawa ng panibagong balangkas batay sa kinasapitan ng kanilang pag-aaral. Ang mga kalahok na pitong lalaking homosekswal at pitong babaing homosekswal mula sa iba't-ibang sektor ng lipunan at katayuan sa buhay ay dumaan sa isang one-on-one in-depth interview bilang paraan ng paglakap ng datos. Sa pagsusuring nagawa, nakabuo ang mga mananaliksik ng teoretikal na balangkas ng proseso ng paglaladlad at nabatid ang mga kaibahan at pagkakatulad sa proseso ng paglaladlad ng mga lalaking homosekswal at babaing homosekswal.