Magkaibigan o magka-ibigan: Isang pag-aaral ng pananaw tungkol sa relasyong platonic
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong disenyo upang malaman ang pananaw ng mga piling Pilipino ukol sa pagiging matalik na magkaibigan ng isang lalaki at isang babae o ang relasyong platonic. Ang konsepto ng relasyong platonic ay may kanluraning pananaw kung kaya't naghangad ang mga...
Saved in:
Main Authors: | , , |
---|---|
Format: | text |
Language: | English |
Published: |
Animo Repository
1994
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/8012 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | English |
Summary: | Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong disenyo upang malaman ang pananaw ng mga piling Pilipino ukol sa pagiging matalik na magkaibigan ng isang lalaki at isang babae o ang relasyong platonic. Ang konsepto ng relasyong platonic ay may kanluraning pananaw kung kaya't naghangad ang mga mananaliksik na mapatunayan kung ito ay naaangkop sa ating lipunan. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng convenience sampling technique kung saan tatlong daang (300) mga mag-aaral ang lumahok sa serbey at anim (6) na pares naman na binubuo ng isang babae at isang lalaking kasalukuyang mayroong relasyong platonic ang lumahok sa malalimang pakikipanayam. Tinapos ang serbey bago isinagawa ang malalimang pakikipanayam kung saan ang mga magkapares na kalahok ay hiwalay na kinausap. Karamihan ng mga kalahok ay nakarinig na at naiintindihan ang konsepto ng relasyong platonic. Bagama't sinasabi nila na ito'y isang relasyon ng babae at lalaki na walang halong sekswal na pagnanasa sa isa't-isa, mas gugustuhin naman nila at mas makatotohanan para sa kanila na ang ganitong relasyon ay isang hakbang tungo sa isang romantikong relasyon. Nangangahulugan na ang sinasabi nilang relasyong platonic ay isa lamang pagkukunwari sapagkat kung mabibigyan ng pagkakataon at kung malaman ng isa't isa ang kanilang nararamdaman, malamang na maging magkasintahan na sila. |
---|