Kutob: Isang pagtalakay sa proseso
Naglalayon ang pag-aaral na ito na talakayin ang Kutob bilang isang karanasan sa buhay ng mga Pilipino. Isang karanasan na binuo ng kaisipan at oryentasyong Pilipino. Upang lubusang maunawaan ang kalikasan at proseso ng kutob sa konteksto ng mga Pilipino at dahil na rin sa kakulangan ng panitikan pa...
Saved in:
Main Authors: | , , |
---|---|
Format: | text |
Language: | English |
Published: |
Animo Repository
1998
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/8024 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | English |
Summary: | Naglalayon ang pag-aaral na ito na talakayin ang Kutob bilang isang karanasan sa buhay ng mga Pilipino. Isang karanasan na binuo ng kaisipan at oryentasyong Pilipino. Upang lubusang maunawaan ang kalikasan at proseso ng kutob sa konteksto ng mga Pilipino at dahil na rin sa kakulangan ng panitikan patungkol sa kutob. Nangalap ang mga mananaliksik ng mga banyagang konsepto na maaaring sabihing hawig sa kutob, tulad ng ESP (precognition, premonition at intuition). Sa ganitong pamamaraan, naging madali para sa mga mananaliksik ang ihambing ang proseso ng kutob sa mga nabanggit na banyagang konsepto. Sa kurso ng pag-aaral, maraming impormasyon ang lumitaw na hindi inaasahan ng mga mananaliksik. Lumabas ang 12 kategorya mula sa paglalarawan ng mga kalahok batay sa kanilang karanasan ng kutob. Bilang proseso ang kutob ay nahahati sa tatlong bahagi. Bago, habang at pagkatapos. Sa mga pangyayari bago kutuban ang isang tao, dito nagsisimula ang mga hindi maipaliwanag na pakiramdam bunga ng hindi maipaliwanag na pangyayari. Habang kinukutuban ang isang tao, unti-unti siyang nagtatanong kung ano ang kanyang kutob at kung bakit niya naisip o naramdaman ang kanyang kutob. Habang nagaganap ang mga ito, lalung nagiging ganap ang kaalaman ng isang tao sa kanyang kutob at sa kanyang kamalayan. Pagkatapos niyang malaman ang resulta ng kanyang pagtatanong sa isip, pagdududa o paghihinala o kutob. Tahimik niyang ipagpapatuloy ang buhay. |
---|