Eksena sa dyipni: Mga pananaw ng dyipni drayber at pasahero tungkol sa problema sa trapik (singitan at siksikan)

Ang pag-aaral ay tumutuon sa pag-aalam ng penomenong singitan at siksikan ng mga dyipni drayber at pasahero ng mga dyipni. Bukod dito, inalam din ang kaugnayan ng dalawang konseptong ito sa kulturang Pilipino. Linalarawan din ng pag-aaral ang buhay ng dyipni drayber at pasahero habang sila ay namama...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Chua, Daphne Trina T., Emata, Romulo O., Go, Glenna Gabrielle Go
Format: text
Language:English
Published: Animo Repository 1992
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/8067
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: English
Description
Summary:Ang pag-aaral ay tumutuon sa pag-aalam ng penomenong singitan at siksikan ng mga dyipni drayber at pasahero ng mga dyipni. Bukod dito, inalam din ang kaugnayan ng dalawang konseptong ito sa kulturang Pilipino. Linalarawan din ng pag-aaral ang buhay ng dyipni drayber at pasahero habang sila ay namamasada at namamasahe. Ang katutubong pamamaraan ng pananaliksik ang siyang ginamit sa pag-aaral. Ang pakikipag-palagayang loob ay pinahalagahan sa mga pakikipanayam na isinagawa. Ang mga kalahok ay maihihiwalay sa dalawang grupo, ang mga kalahok sa pagtatanong-tanong, na mangangatawan ng 50 katao, at ang mga kalahok sa malalimang talakayan na kinatawan ng 6 na tsuper at 6 na namamasahe. Ang mga ito ay nakapanayam sa paggamit ng isang gabay ng mga tanong. Ukol sa singitan at siksikan, madalas na pagkalituhan ito ng mga kalahok, at hindi mabigyan ng isang tumpak na kahulugan. Dala din sa pag-aaral na ito ang relasyon ng kulturang Pilipino sa dalawang konsepto na itong tunay na katutubo. Sa kalabasan ng resulta, ang disposisyonal at pangkalabasan na mga factors ang nagsisilbing impluwensiya sa mga kilos o gawi ng mga pasahero sa pamamasahe, at tsuper sa pamamasada.