Ang konsepto ng pagkalumbay ng mga Pilipinong nasa gitnang gulang
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong mabatid at mailarawan ang konsepto ng pagkalumbay ng mga lalaki at babaeng Pilipinong nasa gitnang gulang (35-55). Mga babae at lalaking may edad 35-55 ang mga naging kalahok. Kasama rito ang pagbatid ng mga kahulugan, sanhi, manipestasyon, at pamamaraan ng pag...
Saved in:
Main Authors: | , , |
---|---|
Format: | text |
Language: | English |
Published: |
Animo Repository
1993
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/8390 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | English |
Summary: | Ang pananaliksik na ito ay naglalayong mabatid at mailarawan ang konsepto ng pagkalumbay ng mga lalaki at babaeng Pilipinong nasa gitnang gulang (35-55). Mga babae at lalaking may edad 35-55 ang mga naging kalahok. Kasama rito ang pagbatid ng mga kahulugan, sanhi, manipestasyon, at pamamaraan ng pag-aagapay ng mga kalahok sa pagkalumbay. Pagagalugad-paglalarawan (exploratory-descriptive) ang disenyo ng pananaliksik na ito. Dalawang metodo ang ginamit upang maisakatuparan ang layuning ibinigay dito-ang katutubong pamamaraan ng pakikipagkuwentuhan at sarbey. Sa pakikipagkuwentuhan labing pito (17) ang naging kalahok at pawang nagmula lahat sa San Nicolas, Hagonoy, Bulakan kung saan ginamit ang convenience sampling sa pagpili ng lugar. Isangdaan (100) na kalahok naman sa sarbey ang nagmula sa apat na iba't-ibang lunan Tarlac, Tarlac: Meycauayan, Bulakan. Ang mga aytem sa palatanungan ay binase sa mga datos na nalikom mula sa pakikipagkuwentuhan. Sa pagpili ng mga naturang lugar, convenience sampling ang ginamit sa pakikipagkuwentuhan at sarbey. Sa pagpili naman ng mga kalahok sa parehong metodo, ginamit ang purposive sampling . Sumailalim sa content analysis ang mga datos na nalikom sa pakikipagkuwentuhan at naging malaking bahagi ang sariling pagpasiya ng mga mananaliksik. Ginawan naman ng Frequency count ang mga datos mula sa sarbey upang mas madaling masuri. Napag-alaman sa pamamagitan ng kasagutan ng mga kalahok na ang karaniwang kahulugan ng kalumbayan ay kalungkutan. |
---|