Ang pagtugon sa pangangailangan at proseso ng pakikipag-ugnayan ng sugar mommy at ng kinakasama nito

Ang pagsasaliksik na ito ay isang exploratory study na tumatalakay sa ugnayan ng sugar mommy at ng kinakasama nito. Napapaloob dito ang pangangailangan na tinutugunan ng nasabing relasyon maging ito man ay pagmamahal o sekswal sa panig ng mga kababaihan at materyal o emosyonal sa panig naman ng mga...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Esteban, Helen, Yam, Michael Lee, Viray, Ma. Isabel
Format: text
Language:English
Published: Animo Repository 1992
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/8414
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: English
Description
Summary:Ang pagsasaliksik na ito ay isang exploratory study na tumatalakay sa ugnayan ng sugar mommy at ng kinakasama nito. Napapaloob dito ang pangangailangan na tinutugunan ng nasabing relasyon maging ito man ay pagmamahal o sekswal sa panig ng mga kababaihan at materyal o emosyonal sa panig naman ng mga kalalakihan. Bukod dito, ilalarawan din ang proseso ng kanilang ugnayan: ang pagsisimula pananatili at pagtatapos. Anim na sugar mommy at anim din na kinakasama nito ang mga naging kalahok. Sila ay nakuha sa pamamagitan ng purposive sampling at chain referral . Malalimang panayam ang ginamit sa paglikom ng mga datos. Buhat sa kinahitnan ng pag-aaral ay napag-alaman na ang karaniwang pangangailangang tunutugunan ng naturang relasyon ay kaganapang sekswal ng mga sugar mommy. May mga pagkakataon din na ito ay maituturing na pagmamahal na ipinakakahulugan sa hindi pagbibigay halaga sa pagniniig bagkus ay sa kinabukasan ng kanyang kinakasama. Materyal na kapakinabangan naman ang hangarin ng mga kalalakihan sa elasyong nabanggit. Ang kalimitang pangyayari na nagbibigay daan sa pagsisimula ng ugnayan ay ang pagniniig. Ito naman ay napapanatili sa pamamagitan ng Social-Exchange Theory na nagsasaad na kapwa panig ay naniniwala na mas malaki ang kapakinabangang naidudulot sa kanila ng relasyon kaysa sa naipagkakaloob nila. Hindi binibigyan ng importansiya ang pagtatapos nito sapagkat ipinapanaw nilang hindi panghabangbuhay ang ugnayang ito. Pinagtutuunan lamang nila ng pansin na masapatan ang kanilang pangangailangan sa kasalukuyan.