Epekto ng panonood ng dokumentaryo tungkol sa mga inaabusong asawang-babae, paraan ng pahiling at kasarian sa kagustuhan ng taong tumulong
Ang pinakamithiin ng eksperimentong ito ay upang malaman kung ang pagkalantad sa isyu ng mga inaabusong asawang-babae sa pamamagitan ng panonood ng dokumentaryo, ang kasarian ng tao at ang paraan ng paghiling ay may epekto sa kanyang kagustuhang tumulong sa mga babaeng biktima ng domestikong karahas...
Saved in:
Main Authors: | , , |
---|---|
Format: | text |
Language: | English |
Published: |
Animo Repository
1994
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/8465 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | English |
Summary: | Ang pinakamithiin ng eksperimentong ito ay upang malaman kung ang pagkalantad sa isyu ng mga inaabusong asawang-babae sa pamamagitan ng panonood ng dokumentaryo, ang kasarian ng tao at ang paraan ng paghiling ay may epekto sa kanyang kagustuhang tumulong sa mga babaeng biktima ng domestikong karahasan. Ang kabuuang bilang ng mga kalahok ay 240, 120 babae at 120 lalaki na pasumalang itinakda sa isa sa 12 kondisyong eksperimental. Ginamit ang Disenyong Faktoryal na 2 X 2 X 3 upang makita kung may pangunahing epekto at interaksyon ang tatlong Independent Variables. Kabilang sa mga instrumentong ginamit ay ang dokumentaryo tungkol sa pang-aabuso ng asawa at ang Post-Treatment Interview kung saan tinanong ang dahilan kung bakit tumugon o di-tumugon ang kalahok. Sinuri ang mga datos sa pamamagitan ng 3-Way Analysis of Variance na mainam gamitin kung ang mga datos ay dikotomizado, and df ay may kalakihan at ang laki ng sampol para sa bawat cell ay magkakapareho. Batay sa mga resultang nakuha, tanging ang baryabol na panonood ng dokumentaryo ang nagdulot ng pangunahing epekto sa pagtugon ng mga kalahok. Kung titingnan naman ang interaksyon ng mga ito, tanging ang mga baryabol na kasarian at paraan ng paghiling ang nagkaroon ng makabuluhang interaksyon. |
---|