Isang eksploratibong pag-aaral sa mga karanasan ng mga piling madrasta sa Pilipinas

Ang pag-aaral ay tungkol sa mga karanasan ng mga piling madrasta sa Pilipinas. Ito ay isinagawa upang makapagbigay ng impormasyon at linaw tungkol sa mga karanasan ng isang sekta ng lipunan na nahaharap sa maraming isteryotipikal na pananaw at mga miskonsepsyon. Ang disenyo ng pag-aaral ay eksplorat...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Caligagan, Carla Anne Porlucas, Reas, Clarissa Catalasan, Soriano, Natalie Noelle Bautista
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 1997
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/8978
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang pag-aaral ay tungkol sa mga karanasan ng mga piling madrasta sa Pilipinas. Ito ay isinagawa upang makapagbigay ng impormasyon at linaw tungkol sa mga karanasan ng isang sekta ng lipunan na nahaharap sa maraming isteryotipikal na pananaw at mga miskonsepsyon. Ang disenyo ng pag-aaral ay eksploratibo na kung saan inilarawan sa pag-aaral ang mga nakikitang tungkulin ng mga piling madrasta ayon mismo sa kanila at sa mga kalahok ay nahahati sa dalawang grupo: ang una ay ang mga kalahok na madrasta at ang ikalawa naman ay mga kalahok na anak sa panguman. Ang mga ito ay nalipon sa pamamagitan ng purposive sampling partikular na ang chain referral. Ang mga kalahok na madrasta ay mula sa Cavite City at sa Gerona, Tarlac, samantalang ang mga kalahok na anak sa panguman ay mula rin sa parehong mga lugar kaya nga lang ay may halong taga-Maynila. Ang metodong pakikipanayam ay ginamit sa pag-aaral upang makalikom ng mga datos. Ang mga datos ay sinuri at inanalisa. Ang mga kasagutan sa inilahad na suliranin ay ipinangkat ayon sa dalawang grupo ng mga kalahok. Napag-alaman sa pag-aaral na ito na ang mga nakikitang tungkulin ng mga madrasta ayon sa kanila at mga anak sa panguman unang-una na ay ang maging kaibigan. Pangalawa lamang ang pagiging ina sa mga anak sa panguman. Ang mga natuklasang epekto naman ng mga nakikitang tungkulin na ito ay ang malapit na pagtutunguhan sa pagitan ng madrasta at anak sa panguman.