Sibling family: Ang bagong samahan ng lipunan para sa mga batang lansangan

Ang pag-aaral ay tumatalakay sa paksa ng sibling family, isang samahan ng mga batang lansangan na tumutupad ng mga tungkuling dapat ginagampanan ng isang tunay na pamilya upang makatulong sa kabuhayan at kaligtasan ng bawat kasapi. Ang aspeto ng pagbuo ng sibling family, kasama na ang mga salik na n...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Almanzor, Carissa, Torres, Rowena, Valencia, Jennifer P.
Format: text
Language:English
Published: Animo Repository 1995
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/9063
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: English
Description
Summary:Ang pag-aaral ay tumatalakay sa paksa ng sibling family, isang samahan ng mga batang lansangan na tumutupad ng mga tungkuling dapat ginagampanan ng isang tunay na pamilya upang makatulong sa kabuhayan at kaligtasan ng bawat kasapi. Ang aspeto ng pagbuo ng sibling family, kasama na ang mga salik na nagbigay-daan sa pagsasama ng mga indibidwal na kabilang dito ay tinalakay sa pag-aaral. Isinama rin ang mga uri ng sistemang pang-suportang napapaloob sa samahang ito, kasama na ang mga problemang kanilang nararanasan at pati na rin ang mga paraan na ginagamit sa paglutas ng mga problemang ito. Tinalakay rin ang mga persepsyon ng bawat kasapi sa mga tungkuling kanilang ginagampanan sa loob ng grupo, at ang mga kabutihan at kasamaang naidudulot sa kanila ng pagiging kasapi ng sibling family.Dahil sa bagong tuklas pa lamang ang samahan ng sibling family, ang pag-aaral ay itinuturing na eksploratoryo at ginamitan ng case study approach dahil na rin sa bihirang makatagpo ng ganitong uri ng grupo. Walong kalahok ang kinuha para sa pag-aaral, at ginamit ang maka-Pilipinong metodo ng pagdalaw-dalaw para sa paglikom ng impormasyon.Ayon sa kinasapitan ng pag-aaral, ang mga nadamang kakulangan at di-pagkakuntento ang nagtulak sa mga kasapi ng sibling family na bumuo ng isang samahang tutugon sa kanilang mga pangangailangan.