Taong grasa: Karanasan at buhay
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang magbigay impormasyon ukol sa buhay at karanasan ng mga taong grasa. Ang dahilan ng kanilang pagkakaroon ng sakit pangkaisipan, ang kanilang buhay habang naglalaboy, at nang maipasok sila sa National Center for Mental Health. Ang mga kalahok sa interbyu ay napi...
Saved in:
Main Authors: | , , |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
1995
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/9348 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang magbigay impormasyon ukol sa buhay at karanasan ng mga taong grasa. Ang dahilan ng kanilang pagkakaroon ng sakit pangkaisipan, ang kanilang buhay habang naglalaboy, at nang maipasok sila sa National Center for Mental Health. Ang mga kalahok sa interbyu ay napili sa pamamagitan ng referal method ng mga doktor at social workers sa NCMH at ang mga kalahok naman sa natural na pag-oobserba ay napili sa pamamagitan ng purposive sampling. Ang mga metodong ginamit upang kumuha ng datos ay ang malalimang pakikipagpanayam sa mga kalahok pati kanilang doktor. Maliban dito ay sinuri din ang kanilang mga medikal na rekords. Ginamit ang natural na pag-oobserba upang mapagtibay ang mga kasagutan ng mga kalahok mula sa NCMH hinggil sa pamumuhay nila noon bilang taong grasa at para magkaroon ng tradisyunal na impormasyon tungkol sa mga taong ito. Matapos makuha ang mga datos mula sa mga kalahok at natural na pag-oobserba, itinala ang mga kategoryang ginamit at maliban dito ay gumamit din ng frequency table. Nakita mula sa mga resultang galing sa mga kalahok mula sa NCMH na nakaranas sila ng masidhing stress o problema kung kayat nabigyang daan ang pagkakaroon nila ng sakit pangkaisipan. Ngunit mayroon sa mga ito na bago pa man maglaboy ay nagpakita na ng mga sintomas ng kanilang sakit pangkaisipan. Sa conceptual framework, ipinakita rin ang mga ibang salik na maaaring magdulot ng pagkakaroon nila ng sakit pangkaisipan at maliban dito ang kanilang mga manipestasyon bilang taong grasa. |
---|