Debelopment at ebalwasyon ng isang glosaryong Ingles-Filipino sa edukasyong panrelihiyon

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makabuo ng glosaryong Ingles- Filipino sa edukasyong panrelihiyon at magsagawa ng ebalwasyon upang alamin ang antas ng pagtanggap sa nabuong glosaryo. Naisakatuparan ito sa pamamagitan ng pagsunod sa prosesong kinapalooban ng siyam na hakbang. Ang 1,066 na leksim...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Bernardo, Henry L.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2006
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/115
https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1114&context=etd_doctoral
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
id oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_doctoral-1114
record_format eprints
institution De La Salle University
building De La Salle University Library
continent Asia
country Philippines
Philippines
content_provider De La Salle University Library
collection DLSU Institutional Repository
language Filipino
topic Religious education—Dictionaries
English language--—Dictionaries—Filipino
Other English Language and Literature
Religious Education
South and Southeast Asian Languages and Societies
spellingShingle Religious education—Dictionaries
English language--—Dictionaries—Filipino
Other English Language and Literature
Religious Education
South and Southeast Asian Languages and Societies
Bernardo, Henry L.
Debelopment at ebalwasyon ng isang glosaryong Ingles-Filipino sa edukasyong panrelihiyon
description Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makabuo ng glosaryong Ingles- Filipino sa edukasyong panrelihiyon at magsagawa ng ebalwasyon upang alamin ang antas ng pagtanggap sa nabuong glosaryo. Naisakatuparan ito sa pamamagitan ng pagsunod sa prosesong kinapalooban ng siyam na hakbang. Ang 1,066 na leksim sa glosaryo ay kinalap mula sa mga aklat at babasahing ginagamit ng mga guro sa edukasyong panrelihiyon. Naging mahalagang bahagi sa pagbuo ng glosaryong bilinggwal ang pagsasalin. Sa puntong ito, ginamit ng mananaliksik ang sumusunod na pormula: SW - Simulaang wika LF - Katumbas na salita mula sa leksikong Filipino HE - Katumbas na salitang hango sa wikang Espanyol at naging bahagi na ng leksikong Filipino HI - Hiram sa Ingles na binabaybay sa Filipino HB - Hiniram nang buo mula sa wikang banyaga TW - Tunguhang wika Nangangahulugan ito na unang binigyang prioridad sa pagpili ng katumbas na salita ang salitang likas na Filipino at matatagpuan sa umiiral na leksikong Filipino (LF), gaya ng: tagapamagitan (advocate) at budhi (conscience). Pangalawa naman ay ang salitang nakaugat sa Espanyol na SW (English) LF HE HI HB TW (Filipino) naging bahagi na ng leksikong Filipino (HE). Halimbawa nito ay: misa, nobena at katoliko. Ang pangatlo ay ang panghihiram sa wikang Ingles na binabaybay sa Filipino ayon sa tuntunin ng Komisyon sa Wikang Filipino (HI) gaya ng kurikulum (curriculum), embriyo (embryo) at tsapleyn (chaplain). Pang-apat ay ang panghihiram nang buo mula sa wikang banyaga (HB), gaya ng limbo, praxis at zygote. Upang malaman naman ang antas ng pagtanggap sa glosaryo, isinagawa ang ebalwasyon sa tulong ng mga ebalweytor na binubuo ng 15 eksperto (mula sa larangan ng Teolohiya, Linggwistika at Edukasyong Panrelihiyon), 10 magaaral sa MA sa Edukasyong Panrelihiyon at Pagpapahalaga, 5 mag-aaral sa BSE sa Edukasyong Panrelihiyon at 5 katekista/manggagawa sa simbahan. Ginamit sa ebalwasyon ang isang instrumentong naglalaman ng 4-point acceptability rating scale. Bukod sa mga puntos ay nagbigay din ng ilan pang mungkahi ang mga ebalweytor, lalot higit ang mga eksperto, na isinaalang-alang din ng mananaliksik sa pagrebisa ng glosaryo. Mula sa resulta ng ebalwasyon, nabatid ng mananaliksik na ang lahat ng mga ebalweytor ay itinuring ang glosaryong Ingles-Filipino sa Edukasyong Panrelihiyon na lubhang katanggap-tanggap (LK). Batay sa mga karanasan at resulta ng pag-aaral nabuo ang mga sumusunod na konklusyon: 1. Ang paghingi ng opinyon ng mga guro sa Edukasyong Panrelihiyon ay mahalagang bahagi sa pagpili ng mga salita para sa glosaryo. 2. Ang pagsasalin ay isang napakahalaga at hindi maiiwasang bahagi sa pagbuo ng isang glosaryong bilinggwal. 3. Ang paglalagay ng etimolohiya ay nakatutulong sa pag-unawa ng kahulugan ng leksim. 4. Bagamat higit na dapat bigyang prioridad ang mga salitang likas na Filipino sa pagsasalin, may mga pagkakataong hindi maiiwasan ang panghihiram nang buo at transliterasyon mula sa wikang banyaga. 5. Marami pa rin sa mga salitang Filipino na nakaugnay sa pananampalatayang Katoliko ang nakaugat sa wikang Espanyol at mahirap iwasan ang paggamit sa mga ito. 6. Malaki ang maitutulong sa pag-unawa sa leksim kung isasama sa kahulugan ang iba pang mga karagdagang paliwanag at halimbawa. 7. Upang higit na maging kapani-paniwala at kapaki-pakinabang ang kahulugan sa bawat leksikal entri, mahalaga ang pagkakaroon ng sanggunian. 8. Mahalaga ang opinyon ng mga eksperto at gayundin ng mga target na mambabasa upang maging awtoritatibo ang ebalwasyon. 9. Sa paglalapat ng kahulugan, lalot higit sa mga salitang kaugnay ng pananampalatayang Katoliko, mahalagang bigyan ng higit na prioridad ang kahulugang nakaayon sa opisyal na turo ng Simbahan. Gayundin naman, ang pananaliksik na ito ay nakabuo ng mga sumusunod na rekomendasyon: 1. Bigyan pa ng higit na pansin ang paggamit ng Filipino sa Edukasyong Panrelihiyon. 2. Ipalaganap ang impormasyon hinggil sa ortograpiyang Filipino na ipinatutupad ng Komisyon sa Wikang Filipino simula pa noong 2001, lalot higit sa mga guro sa edukasyong panrelihiyon upang makatulong sa kanilang paggamit ng Filipino sa pagtuturo. 3. Maaaring isagawa ng mga susunod na mananaliksik ang mga sumusunod: a. isang monolinggwal na Glosaryong Filipino sa Edukasyong Panrelihiyon, b. glosaryo sa edukasyong panrelihiyon na nakatuon sa ibatibang wikang ginagamit sa Pilipinas. 4. Sa mga kahalintulad na pananaliksik, dapat isagawa ang mga sumusunod: a. isagawa ang ebalwasyon, hindi lamang ng mga eksperto, kundi maging ng mga target na mambabasa, b. dapat laging bigyan ng prioridad ang pagiging tapat sa opisyal na turo ng simbahan sa paglalapat ng mga kahulugan.
format text
author Bernardo, Henry L.
author_facet Bernardo, Henry L.
author_sort Bernardo, Henry L.
title Debelopment at ebalwasyon ng isang glosaryong Ingles-Filipino sa edukasyong panrelihiyon
title_short Debelopment at ebalwasyon ng isang glosaryong Ingles-Filipino sa edukasyong panrelihiyon
title_full Debelopment at ebalwasyon ng isang glosaryong Ingles-Filipino sa edukasyong panrelihiyon
title_fullStr Debelopment at ebalwasyon ng isang glosaryong Ingles-Filipino sa edukasyong panrelihiyon
title_full_unstemmed Debelopment at ebalwasyon ng isang glosaryong Ingles-Filipino sa edukasyong panrelihiyon
title_sort debelopment at ebalwasyon ng isang glosaryong ingles-filipino sa edukasyong panrelihiyon
publisher Animo Repository
publishDate 2006
url https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/115
https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1114&context=etd_doctoral
_version_ 1728621251846471680
spelling oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_doctoral-11142022-03-29T01:45:22Z Debelopment at ebalwasyon ng isang glosaryong Ingles-Filipino sa edukasyong panrelihiyon Bernardo, Henry L. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makabuo ng glosaryong Ingles- Filipino sa edukasyong panrelihiyon at magsagawa ng ebalwasyon upang alamin ang antas ng pagtanggap sa nabuong glosaryo. Naisakatuparan ito sa pamamagitan ng pagsunod sa prosesong kinapalooban ng siyam na hakbang. Ang 1,066 na leksim sa glosaryo ay kinalap mula sa mga aklat at babasahing ginagamit ng mga guro sa edukasyong panrelihiyon. Naging mahalagang bahagi sa pagbuo ng glosaryong bilinggwal ang pagsasalin. Sa puntong ito, ginamit ng mananaliksik ang sumusunod na pormula: SW - Simulaang wika LF - Katumbas na salita mula sa leksikong Filipino HE - Katumbas na salitang hango sa wikang Espanyol at naging bahagi na ng leksikong Filipino HI - Hiram sa Ingles na binabaybay sa Filipino HB - Hiniram nang buo mula sa wikang banyaga TW - Tunguhang wika Nangangahulugan ito na unang binigyang prioridad sa pagpili ng katumbas na salita ang salitang likas na Filipino at matatagpuan sa umiiral na leksikong Filipino (LF), gaya ng: tagapamagitan (advocate) at budhi (conscience). Pangalawa naman ay ang salitang nakaugat sa Espanyol na SW (English) LF HE HI HB TW (Filipino) naging bahagi na ng leksikong Filipino (HE). Halimbawa nito ay: misa, nobena at katoliko. Ang pangatlo ay ang panghihiram sa wikang Ingles na binabaybay sa Filipino ayon sa tuntunin ng Komisyon sa Wikang Filipino (HI) gaya ng kurikulum (curriculum), embriyo (embryo) at tsapleyn (chaplain). Pang-apat ay ang panghihiram nang buo mula sa wikang banyaga (HB), gaya ng limbo, praxis at zygote. Upang malaman naman ang antas ng pagtanggap sa glosaryo, isinagawa ang ebalwasyon sa tulong ng mga ebalweytor na binubuo ng 15 eksperto (mula sa larangan ng Teolohiya, Linggwistika at Edukasyong Panrelihiyon), 10 magaaral sa MA sa Edukasyong Panrelihiyon at Pagpapahalaga, 5 mag-aaral sa BSE sa Edukasyong Panrelihiyon at 5 katekista/manggagawa sa simbahan. Ginamit sa ebalwasyon ang isang instrumentong naglalaman ng 4-point acceptability rating scale. Bukod sa mga puntos ay nagbigay din ng ilan pang mungkahi ang mga ebalweytor, lalot higit ang mga eksperto, na isinaalang-alang din ng mananaliksik sa pagrebisa ng glosaryo. Mula sa resulta ng ebalwasyon, nabatid ng mananaliksik na ang lahat ng mga ebalweytor ay itinuring ang glosaryong Ingles-Filipino sa Edukasyong Panrelihiyon na lubhang katanggap-tanggap (LK). Batay sa mga karanasan at resulta ng pag-aaral nabuo ang mga sumusunod na konklusyon: 1. Ang paghingi ng opinyon ng mga guro sa Edukasyong Panrelihiyon ay mahalagang bahagi sa pagpili ng mga salita para sa glosaryo. 2. Ang pagsasalin ay isang napakahalaga at hindi maiiwasang bahagi sa pagbuo ng isang glosaryong bilinggwal. 3. Ang paglalagay ng etimolohiya ay nakatutulong sa pag-unawa ng kahulugan ng leksim. 4. Bagamat higit na dapat bigyang prioridad ang mga salitang likas na Filipino sa pagsasalin, may mga pagkakataong hindi maiiwasan ang panghihiram nang buo at transliterasyon mula sa wikang banyaga. 5. Marami pa rin sa mga salitang Filipino na nakaugnay sa pananampalatayang Katoliko ang nakaugat sa wikang Espanyol at mahirap iwasan ang paggamit sa mga ito. 6. Malaki ang maitutulong sa pag-unawa sa leksim kung isasama sa kahulugan ang iba pang mga karagdagang paliwanag at halimbawa. 7. Upang higit na maging kapani-paniwala at kapaki-pakinabang ang kahulugan sa bawat leksikal entri, mahalaga ang pagkakaroon ng sanggunian. 8. Mahalaga ang opinyon ng mga eksperto at gayundin ng mga target na mambabasa upang maging awtoritatibo ang ebalwasyon. 9. Sa paglalapat ng kahulugan, lalot higit sa mga salitang kaugnay ng pananampalatayang Katoliko, mahalagang bigyan ng higit na prioridad ang kahulugang nakaayon sa opisyal na turo ng Simbahan. Gayundin naman, ang pananaliksik na ito ay nakabuo ng mga sumusunod na rekomendasyon: 1. Bigyan pa ng higit na pansin ang paggamit ng Filipino sa Edukasyong Panrelihiyon. 2. Ipalaganap ang impormasyon hinggil sa ortograpiyang Filipino na ipinatutupad ng Komisyon sa Wikang Filipino simula pa noong 2001, lalot higit sa mga guro sa edukasyong panrelihiyon upang makatulong sa kanilang paggamit ng Filipino sa pagtuturo. 3. Maaaring isagawa ng mga susunod na mananaliksik ang mga sumusunod: a. isang monolinggwal na Glosaryong Filipino sa Edukasyong Panrelihiyon, b. glosaryo sa edukasyong panrelihiyon na nakatuon sa ibatibang wikang ginagamit sa Pilipinas. 4. Sa mga kahalintulad na pananaliksik, dapat isagawa ang mga sumusunod: a. isagawa ang ebalwasyon, hindi lamang ng mga eksperto, kundi maging ng mga target na mambabasa, b. dapat laging bigyan ng prioridad ang pagiging tapat sa opisyal na turo ng simbahan sa paglalapat ng mga kahulugan. 2006-03-01T08:00:00Z text application/pdf https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/115 https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1114&context=etd_doctoral Dissertations Filipino Animo Repository Religious education—Dictionaries English language--—Dictionaries—Filipino Other English Language and Literature Religious Education South and Southeast Asian Languages and Societies