Ang tambaloslos bilang dalumat sa pagbasa/g sa mga nakakahong larawan ng babae sa anim na nobelang Filipino na may Gawad Palanca (1984-2005)
Nilayon ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod: una, magpanukala ng isang pamamaraan o dalumat batay sa kritisismong malay sa kasarian na siyang ilalapat sa pagbasa/g sa mga nakakahong larawan ng babae sa anim na nobelang Filipino na may Gawad Palanca mula 1984 hanggang 2005 ikalawa, suriin ang mga n...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2008
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/234 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_doctoral/article/1233/viewcontent/CDTG004533_F_Partial.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Nilayon ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod: una, magpanukala ng isang pamamaraan o dalumat batay sa kritisismong malay sa kasarian na siyang ilalapat sa pagbasa/g sa mga nakakahong larawan ng babae sa anim na nobelang Filipino na may Gawad Palanca mula 1984 hanggang 2005 ikalawa, suriin ang mga nakakahong larawan ng babae sa mga piling nobelang Filipino alinsunod sa paglapat sa dalumat ng tambaloslos bilang pagbasa/g sa texto ikatlo, buuin ang mito ng babae sa mga piling nobelang Filipino. Ang tambaloslos ay isang nilalang na kauri ng aswang, mangkukulam, tikbalang at iba pang nilikha sa mababang mitolohiya na tumutukoy sa isang babaeng may kapangyarihan upang hubarin/alisin/tanggalin/tuklapin ang mga balat sa kanyang katawan upang magmukha siyang purong mamula-mulang laman sa harap ng isang tao nang sa gayon ay mamatay ito sa takot. Ang loslos/luslus sa Cebuano ay kasingkahulugan ng hunlos na ang ibig sabihin sa Filipino ay hubarin o tuklapin (ang balat). Ang tambaloslos ay binasa/g alinsunod sa mga simulain ng pagiging ang Bukod o pagiging kaiba nito sa mga karaniwang nilalang sa mundo. Isang transformasyon o pagbabagong-anyo ang nangyayari sa tambaloslos sa tuwing itoy nagtatanggal/nagtutuklap/naghuhubad ng mga balat sa kanyang katawan upang maging katatakutan. Itoy sumasagisag ng rebelyon sa pagiistiryutipo ng lipunan sa imahen ng kababaihan. Maaari rin itong pagbalikwas/pagtalikod sa patriyarkal na kaayusan sa lipunan. Ang pagbabagong-anyo (na maaaring pagbabalatkayo) ay sumisimbolo na maaaring pagtalikod sa nakagisnang gawi (maaaring sa umpisa ay mabuti na naging masama o ang kabaligtaran nito). Ang pagbabagong ito upang matakot ang vi lalaki ay maiuugnay sa bagong landas para sa kababaihan o kapangyarihan ng babae. Ang mga katangiang ito ng tambaloslos ang siyang inilapat upang mabasa/g ang mga nakakahong larawan ng babae sa anim na nobelang Filipino. Sa pag-aaral na ito, sinikap na pag-ugnayin ang literatura at mga pangyayaring naganap sa lipunan (sa puntong itoy ang pag-iistiryutipo sa imahen ng kababaihan) gamit ang dalumat ng tambaloslos upang makita ang intertextualidad ng mga kaisipan at pagpapakahulugang nakapaloob sa texto. Ang pagsusuri kung gayon ay naglaro hindi lamang sa nakakahon kundi maging sa dobleng pagkakahon sa larawan ng babae dahil silay parehong ikinahon ng lipunan at ng texto. Labindalawa lahat ang mga nobelang may Gawad Palanca na pinagpilian. Para sa layunin ng pag-aaral na ito, anim sa mga nobelang nabanggit ang siyang isinama sa pagsusuri kung saan tigtatatlo ang mga akdang isinulat ng mga lalake at babaeng manunulat. Ito ang mga sumusunod: Bata, BataPano Ka Ginawa (1984) ni Lualhati Bautista; Gagamba (1990) ni Reynaldo A. Duque; Bulaklak ng Maynila (1993) ni Domingo Landicho; Ang Kaulayaw ng Agila (1999) ni Lilia Quindoza-Santiago; Kung paano ko inayos ang buhok ko matapos ang mahabahaba ring paglalakbay (2002) ni Norman Wilwayco; at Unang Ulan ng Mayo (2005) ni Ellen Sicat. Mula sa labindalawang nobelang pinagpilian, siyam sa bilang na ito ang naisulat ng mga lalaking manunulat samantalang tatlo naman ang likha ng mga babaeng manunulat. Kung kaya ang simple random sampling method ay inilapat upang mapili ang tatlong akda na isinulat ng mga lalaking manunulat samantalang ang mga simulain ng purposive random sampling method ang siyang vii inilapat upang maisama ang lahat ng mga akdang likha ng mga babaeng manunulat. Naging mahalaga sa sarbey ng kaugnay na literatura ang mga pag-aaral na ginawa nina Dr. Reynaldo Ileto sa Pasyon and Revolution; Fr. Dionisio Miranda, SVD sa Loob: The Filipino Within; at Dr. Nicanor Tiongson sa Ang Pusong sa Dulang Tagalog: Panimulang Pag-aaral. Ipinakita sa mga pag-aaral na ito ang paggamit ng katutubong metodolohiya/pamamaraan o dalumat upang siyasatin at pag-aralan ang mga paksang nabanggit. Bilang pinakalundo ng pag-aaral, nabuo ang sumusunod na pangkasalukuyang mito o sugilanon ng babae sa mga piling nobelang Filipino: haligi ng tahanan; kung kailan mahina ay saka malakas; at tagapagsulong ng pagbabago. Napatunayan sa pag-aaral ang pagbawi sa representasyon ng kapangyarihan sa kamay ng patriyarka. Nabatid rin sa ginawang pagsusuri sa mga tauhang babae mula sa mga akdang likha ng mga lalaki at babaeng manunulat sang-ayon sa naging pagkakahon sa kanila o sa pagkakaroon nila ng mapagpalayang pananaw sa papel na kanilang ginampanan sa akda na ang malaking bilang ng mga tauhang babaeng nakakahon ay nakapaloob sa mga akdang likha ng mga lalaking manunulat samantalang mga tauhang babaeng may mapagpalayang pananaw ang karamihan sa karakter na namayani sa akda ng mga babaeng manunulat. |
---|