Rampa sa paglaya: Paglalakbay ng mga bakla sa sangandaan ng pag-ibig at pakikibaka

Simula nang itatag ang Communist Party of the Philippines (CPP) mula sa lumang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), ito ang naging pangunahing organisasyong nagtataguyod ng pambansa-demokratikong rebolusyon sa bansa. Kasama ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at ang New Peoples...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Madula, Rowell Decena
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2012
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/328
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_doctoral/article/1327/viewcontent/CDTG005157.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Simula nang itatag ang Communist Party of the Philippines (CPP) mula sa lumang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), ito ang naging pangunahing organisasyong nagtataguyod ng pambansa-demokratikong rebolusyon sa bansa. Kasama ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at ang New Peoples Army (NPA), isinulong ng Partido ang parliyamentaryo at armadong pakikibaka laban sa pyudalismo, burukrata-kapitalismo at imperyalismo. Sa nakalipas na limang dekada, lumawak ang kasapian ng mga lihim na organisasyong ito, nagkaroon ng mga tagumpay na laban, at kkumaharap din sa maraming problea at hamon. Noong dekada 70 ay nagkaroon na ito ng mga hakbang upang mapangalagaan at maprotektahan ang kababaihan sa loob ng Partido. Sumigla ang kilusang pangkababaihan at sinuprtahan ang mga kampanya nito laban sa diskriminasyong hindi lamang batay sa kanilang pang-ekonomikong kalagayan, kundi maging dahil sa kanilang kasarian. Pagpasok ng dekada 90 naging masigla ang maraming baklang kasapi ng mga lihim at legal na organisasyon sa ilalim ng Partido. At sa taong 1998, matapos ang ika-sapung plenum ng Komiteng Tagapagpaganap-Komiteng Sentral ng Partido ay inilabas ang nirebisang gabay at tuntunin sa pag-aasawa sa loob ng Partido kung saan idinagdag ang paglalapat nito sa mga kasamang may piniling kasarian. Ang pag-aaral na ito ay isang paglalahad sa kasaysayan ng CPP-NDFP-NPA na may tuon sa mga pagbabago ng polisiya at programa nito na may kaugnayan sa kasarian at sekswalidad. Kumalap ng mga kwentong buhay ang mananaliksik upang makita ang karanasan at kalagayan ng mga baklang aktibista't komunista sa kanilang pagkilos sa loob ng Partido sa larangang organisasyunal, politikal at ideolohikal. Gamit ang konsepto ng field o larangan ni Pierre Bourdieu, sinuri ang mga naging gampanin ng mga bakla sa pagkilos sa parliyamentaryo at armadong pakikibaka bitbit ang kanilang mga kapital. Gayundin, isinaalang-alang din ang konsepto ng habitus ni Bourdieu upang tingnan ang kanilang karanasan bilang mga baklang aktibista’t komunista.