Ideyolohiya at Utopia sa mga liham sa Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran
Ang papel na ito ay nagtuon sa pagtalakay at pagsusuri ng mga liham na inihuhulog sa dambana ng Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran. Pangunahing layunin ng papel na ito na matukoy ang mabubuong teyorya o konsepto kaugnay sa debosyon sa Ina ng Laging Saklolo. Upang masagot ang layuning ito ng pagaaral,...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | English |
Published: |
Animo Repository
2015
|
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/421 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | English |
id |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_doctoral-1420 |
---|---|
record_format |
eprints |
spelling |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_doctoral-14202021-05-19T09:18:03Z Ideyolohiya at Utopia sa mga liham sa Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran Casabuena, Jennifer Macatangay Ang papel na ito ay nagtuon sa pagtalakay at pagsusuri ng mga liham na inihuhulog sa dambana ng Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran. Pangunahing layunin ng papel na ito na matukoy ang mabubuong teyorya o konsepto kaugnay sa debosyon sa Ina ng Laging Saklolo. Upang masagot ang layuning ito ng pagaaral, inilarawan ng mananaliksik sa pag-aaral na ito ang a) paraan kung paano isinasagawa ng mga deboto ang debosyon sa Ina ng Laging Saklolo, b) ang antas at hugis ng ideyolohiya at utopia sa mga liham na inihulog sa dambana ng Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran, c) ang ideyolohiya o utopiang nangingibabaw sa kalooban ng mga deboto at d) ang implikasyon ng ideyolohiya/utopiang nakapaloob sa mga liham na ito sa usapin ng pagbabagong loob at pagbabago ng lipunan. Mula rito ay nakabuo ang mananaliksik ng konsepto natuklasan niya kaugnay sa debosyon ng mga mananampalatayang Katoliko sa Ina ng Laging Saklolo. Gamit ang nakikiugaling pagmamasid (partisipant observation) nanatili ang mananaliksik sa Baclaran ng mahigit sa isang buwan upang magmasid at makiramdam sa kilos at gawi ng mga deboto. Sa panahon ng pagmamasid, nagkaroon ng pagkakataong makapanayam ng 96 na mga kalahok na pawang mga deboto ng Ina ng Laging Saklolo. Sila ay pinili batay sa layunin ng mananaliksik sa isinasagawang pag-aaral o ang tinatawag na purposive sampling. Mayroong ibat ibang konkretong paraang ginagawa ang mga Pilipinong deboto kaugnay ng kanilang debosyon Maria. Napuna ng mananaliksik ang pitong pangunahing gawaing nangingibabaw sa mga deboto tulad ng: pagnonobena, pagtanod kapag araw ng Martes, paglalakad nang paluhod, pagsalat sa imahen ng Ina ng Laging Saklolo, pagdarasal ng santo rosaryo, boluntaryong paglilingkod sa Dambana ng Ina ng Laging Saklolo at paghuhulog ng liham sa dambana. Kaugnay ng antas at hugis ng ideyolohiyang nangingibabaw sa mga liham lumabas na ang pangunahing elementong nangingibabaw sa mga deboto ay ang elementong nag-uudyok sa isang taong linlangin niya ang kaniyang sarili hinggil sa tunay na kaayusan ng reyalidad tulad ng kanilang labis na desperasyon, paniniwala sa pagkumpleto sa nobena tungo sa katuparan ng pangarap, pagtingin sa pangalan ni Maria bilang palaging handang ibigay ang anumang kanilang kahilingan at pagtitiwala sa himalang hindi sila bibiguin ni Maria. Sa larangan ng ideyolohiya, nangingibabaw ang kahilingan ng mga deboto kaugnay sa paggaling mula sa karamdaman, tulong pinansyal, katuwang sa buhay at pagkakasundo bilang mga pangunahing mga aspekto ng liham na nangingibabaw ang pambubulag sa mga deboto. Samantala sa larangan ng utopia batay sa mga kahilingang ipinakita ng mga deboto sa kanilang mga liham, higit na nangingibabaw ang konkretong utopia kung saan makikita sa mga deboto na kasabay ng kanilang pagdarasal, sila ay mayroong ginagawa kaugnay ng kanilang mga kahilingan upang magkaroon ng posibilidad na ito ay magkaroon ng katuparan. Batay sa mga kahilingang ipinakita ng mga deboto sa kanilang mga liham, higit na nangingibabaw ang konkretong utopia kung saan makikita sa mga deboto na kasabay ng kanilang pagdarasal, sila ay mayroong ginagawa kaugnay ng kanilang mga kahilingan upang magkaroon ng posibilidad na ito ay magkaroon ng katuparan. Batay sa naging resulta ng pag-aaral kaugnay ng konsepto ng debosyon, natukoy ng mananaliksik ang makapilipinong paraan nila ng debosyon kung saan mayroong prosesong pinagdaraanan ang isang tao tungo sa pagkakaroon niya ng tunay at malalim na debosyon sa Ina ng Laging Saklolo. Sa kanilang pakikitungo at pakikipagkapwa kay Maria nabuo ng mananaliksik ang proseso ng makapilipinong debosyon tulad ng pagsubok, padalaw-dalaw, pakikilahok, pakikipagpalagayang-loob, pakikiisa. 2015-01-01T08:00:00Z text https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/421 Dissertations English Animo Repository |
institution |
De La Salle University |
building |
De La Salle University Library |
continent |
Asia |
country |
Philippines Philippines |
content_provider |
De La Salle University Library |
collection |
DLSU Institutional Repository |
language |
English |
description |
Ang papel na ito ay nagtuon sa pagtalakay at pagsusuri ng mga liham na inihuhulog sa dambana ng Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran. Pangunahing layunin ng papel na ito na matukoy ang mabubuong teyorya o konsepto kaugnay sa debosyon sa Ina ng Laging Saklolo. Upang masagot ang layuning ito ng pagaaral, inilarawan ng mananaliksik sa pag-aaral na ito ang a) paraan kung paano isinasagawa ng mga deboto ang debosyon sa Ina ng Laging Saklolo, b) ang antas at hugis ng ideyolohiya at utopia sa mga liham na inihulog sa dambana ng Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran, c) ang ideyolohiya o utopiang nangingibabaw sa kalooban ng mga deboto at d) ang implikasyon ng ideyolohiya/utopiang nakapaloob sa mga liham na ito sa usapin ng pagbabagong loob at pagbabago ng lipunan. Mula rito ay nakabuo ang mananaliksik ng konsepto natuklasan niya kaugnay sa debosyon ng mga mananampalatayang Katoliko sa Ina ng Laging Saklolo.
Gamit ang nakikiugaling pagmamasid (partisipant observation) nanatili ang mananaliksik sa Baclaran ng mahigit sa isang buwan upang magmasid at makiramdam sa kilos at gawi ng mga deboto. Sa panahon ng pagmamasid, nagkaroon ng pagkakataong makapanayam ng 96 na mga kalahok na pawang mga deboto ng Ina ng Laging Saklolo. Sila ay pinili batay sa layunin ng mananaliksik sa isinasagawang pag-aaral o ang tinatawag na purposive sampling.
Mayroong ibat ibang konkretong paraang ginagawa ang mga Pilipinong deboto kaugnay ng kanilang debosyon Maria. Napuna ng mananaliksik ang pitong pangunahing gawaing nangingibabaw sa mga deboto tulad ng: pagnonobena, pagtanod kapag araw ng Martes, paglalakad nang paluhod, pagsalat sa imahen ng Ina ng Laging Saklolo, pagdarasal ng santo rosaryo, boluntaryong paglilingkod sa Dambana ng Ina ng Laging Saklolo at paghuhulog ng liham sa dambana.
Kaugnay ng antas at hugis ng ideyolohiyang nangingibabaw sa mga liham lumabas na ang pangunahing elementong nangingibabaw sa mga deboto ay ang elementong nag-uudyok sa isang taong linlangin niya ang kaniyang sarili hinggil sa tunay na kaayusan ng reyalidad tulad ng kanilang labis na desperasyon, paniniwala sa pagkumpleto sa nobena tungo sa katuparan ng pangarap, pagtingin sa pangalan ni Maria bilang palaging handang ibigay ang anumang kanilang kahilingan at pagtitiwala sa himalang hindi sila bibiguin ni Maria. Sa larangan ng ideyolohiya, nangingibabaw ang kahilingan ng mga deboto kaugnay sa paggaling mula sa karamdaman, tulong pinansyal, katuwang sa buhay at pagkakasundo bilang mga pangunahing mga aspekto ng liham na nangingibabaw ang pambubulag sa mga deboto.
Samantala sa larangan ng utopia batay sa mga kahilingang ipinakita ng mga deboto sa kanilang mga liham, higit na nangingibabaw ang konkretong utopia kung saan makikita sa mga deboto na kasabay ng kanilang pagdarasal, sila ay mayroong ginagawa kaugnay ng kanilang mga kahilingan upang magkaroon ng posibilidad na ito ay magkaroon ng katuparan. Batay sa mga kahilingang ipinakita ng mga deboto sa kanilang mga liham, higit na nangingibabaw ang konkretong utopia kung saan makikita sa mga deboto na kasabay ng kanilang pagdarasal, sila ay mayroong ginagawa kaugnay ng kanilang mga kahilingan upang magkaroon ng posibilidad na ito ay magkaroon ng katuparan.
Batay sa naging resulta ng pag-aaral kaugnay ng konsepto ng debosyon, natukoy ng mananaliksik ang makapilipinong paraan nila ng debosyon kung saan mayroong prosesong pinagdaraanan ang isang tao tungo sa pagkakaroon niya ng tunay at malalim na debosyon sa Ina ng Laging Saklolo. Sa kanilang pakikitungo at pakikipagkapwa kay Maria nabuo ng mananaliksik ang proseso ng makapilipinong debosyon tulad ng pagsubok, padalaw-dalaw, pakikilahok, pakikipagpalagayang-loob, pakikiisa. |
format |
text |
author |
Casabuena, Jennifer Macatangay |
spellingShingle |
Casabuena, Jennifer Macatangay Ideyolohiya at Utopia sa mga liham sa Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran |
author_facet |
Casabuena, Jennifer Macatangay |
author_sort |
Casabuena, Jennifer Macatangay |
title |
Ideyolohiya at Utopia sa mga liham sa Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran |
title_short |
Ideyolohiya at Utopia sa mga liham sa Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran |
title_full |
Ideyolohiya at Utopia sa mga liham sa Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran |
title_fullStr |
Ideyolohiya at Utopia sa mga liham sa Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran |
title_full_unstemmed |
Ideyolohiya at Utopia sa mga liham sa Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran |
title_sort |
ideyolohiya at utopia sa mga liham sa ina ng laging saklolo sa baclaran |
publisher |
Animo Repository |
publishDate |
2015 |
url |
https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/421 |
_version_ |
1776268661847228416 |