Pagbuo ng isang mungkahing modyul para sa pagtuturo ng pagsulat sa baitang 12 kurikulum sa Filipino
Layunin ng pag-aaral na ito na makabuo ng modyul para sa pagtuturo ng pagsulat sa baitang 12 alinsunod sa programang K-12 kurikulum sa Filipino. Batay sa hangarin ng Kagawaran ng Edukasyon, ang mga mag-aaral na nasa senior years ay dapat magtaglay ng mga akademikong kasanayan na kakailanganin sa pag...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | English |
Published: |
Animo Repository
2015
|
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/441 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | English |
Summary: | Layunin ng pag-aaral na ito na makabuo ng modyul para sa pagtuturo ng pagsulat sa baitang 12 alinsunod sa programang K-12 kurikulum sa Filipino. Batay sa hangarin ng Kagawaran ng Edukasyon, ang mga mag-aaral na nasa senior years ay dapat magtaglay ng mga akademikong kasanayan na kakailanganin sa pagpasok niya sa kolehiyo o sa unibersidad gayundin ang ilang mahahalagang kasanayan at kaalaman sa pagtatrabaho o pagnegosyo. Kung kayat lubos na isinaalang-alang ang mga tunguhing ito sa pagbuo ng kagamitang panturo na lilinang sa kakayayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat.
Nagpokus lamang ang mananaliksik sa pagtuturo ng pagsulat sapagkat ito ang pangunahing kasanayan na dapat malinang sa senior years lalo na sa baitang 12. Nakapaloob dito ang mga aralin sa akademikong pagsulat at batayang kaalaman sa pananaliksik.
Ang mga sinundang dulog upang linangin ang mga aralin sa modyul ay ang pagtuturo ng wika sa mga tiyak na gamit, ang dulog komunikatibo at ang akademikong pagsulat. Integrated din sa mga aralin ang kasanayan sa pag-iisip gaya ng malikhaing pag-iisip, kakakayahan magsuri, kumilatis at ilan pa. Ang mga aralin sa pagsulat ay nasa kontekstong akademik at pagtatrabaho.
Sa pagbuo ng modyul sinundan ang hulwarang nilinang ni Inglis (1975) at Nichols at Nichols (1972). Itinatakda nito ang mga prosesong dapat pagdaanan ng isang kagamitang panturo mula sa paghahanda at pagdidisenyo ng aralin, ebalwasyon at ang rebisyon.
Sa paghahanda ng mga aralin, isinaalang-alang ang mga tunguhin at layunin na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon sang-ayon sa K-12 Kurikulum sa Filipino at suhestiyon ng mga guro at ekspertong nag-ebalaweyt ng modyul.
Sumailalim sa mga serye ng ebalwasyon ang modyul. Sa unang serye ng ebalwasyon, ipinasuri ito sa tatlong guro / eksperto sa pagtuturo ng Filipino at pagbuong kagamitang pampagtuturo. Matapos masuri at maebalweyt ang modyul, muli itong isinulat at inirebisa batay sa kanilang mga komento at suhestiyon. Matapos ang unang rebisyon, sumalilaim ang modyul sa pilot testing ng dalawang klase noong Mayo, 2014 sa Unibersidad ng Sto. Tomas. Ang dalawang klase ay kumukuha ng Filipino 1 Komunikasyon sa Akademikong Filipino at Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Itinala ang mga obserbasyon at karanasan ng mga guro at mag-aaral na gumamit ng modyul. Ang kanilang mga fidbak ay isinaalang-alang sa pagrerebisa ng modyul. Matapos nito, muling ipinasuri ang modyul sa limang guro / eksperto, kasabay na rin ng pilot testing sa tatlong klase ng mga mag-aaral sa unang taon na kumukuha ng Filipino 1 sa Unibersidad ng Sto. Tomas, Kolehiyo ng Narsing.
Sa ebalwasyon ng modyul ginamit ang instrumento na dinesenyo ng Unibersidad ng Sto. Tomas, Opisina ng Bise Rector para sa Akademikong Gawain ng Textbook and Learning Materials Committee (TLMC). Sinusukat ng instrumento ang apat na mahahalagang elemento sa pagbuo ng isang kagamitang panturo ito ay ang 1. Nilalaman 2. Mga Gawain sa Pagkatuto 3. Format at Organisasyon at 4. Wika at Isitilo. Kalakip ng mga elementong ito ay ang kwalitibong pagsusuri, kung saan itatala ng mga ebalwator ang kanilang mga puna, obserbasyon at mungkahi.
Samantala sa mula sa panayam at paghingi ng fidbak sa mga guro na lumahok sa pilot study, naging gabay sa interbyu ang instrumento na dinesenyo ni Brian Tomlinson ng Cambridge University. Nagkaroon bahagayang modipikasyon sa instrumento at isinalin din sa Filipino.
Batay sa resulta ng unang ebalwasyon gamit ng instrumento ng UST, TLMC ang modyul sa Filipino 12 ay nakakuha ng 71 puntos. Nangangahulugang inirerekomenda para sa adapsyon ngunit marami pang rebisyon / modipikasyon. Matapos ang unang rebisyon muli itong pina-ebalweyt. At sa ikalawang ebalwasyon mula sa limang eksperto ang modyul ay nakakuha na ng 87.8 na puntos, nangangahulugang ang modyul ay inirerekomenda para sa adapsyon at may ilang rebisyon / modipikasyon.
Mula naman sa fidbak ng mga guro at mag-aaral sa pilot testing ng modyul ng Filipino 12, ang ilan sa pangunahing punto ay: 1. Katanggap-tanggap patungo sa mahusay ang mga aralin sa pagtuturo ng batayang pananaliksik at detalyadong pagtuturo ng pagsulat ng talumpati 2. Sapat ang mga halimbawang sulatin upang tiyak na makita ang istruktura at nilalaman ng bawat uri ng akademikong sulatin 3. Masinop ang koleksiyon ng mga sulatin ng mga mag-aaral upang magamit na mga halimbawa sa bawat anyo ng sulatin 4. Orihinal ang mga sulatin at dinesenyong mga aralin 5. Mahusay ang pagsulat para sa pagtatrabaho at kumpleto ng mga halimbawa. Mas mainam din siguro kung ituro din ang pagsulat para sa pagnenegosyo. Ang ilan naman sa mga kahinaan ng modyul at mga mungkahi ay: 1. Hindi naging maayos ang pagkakasunud-sunod ng pahina ito marahil ay sa printing at compilation 2. Dahil xerox, malabo ang ilang bahagi ng modyul at ang mga larawan ay hindi masyadong malinaw na nakaaapekto sa pagsagot ng modyul 3. Mahaba ang aralin sa panananaliksik at tinatamad magbasa ang mga mag-aaral 4. Karamihan sa halimbawa ng pananaliksik papel na ipinakita ay pang-narsing dahil tumatalakay sa sakit at pag-aaruga 5. Maging konsistent sa framework ng bawat aralin.
Matapos ang mga serye ng ebalwasyon at pilot testing, muling sumailalim sa ikatlong rebisyon ang modyul sa Filipino 12. |
---|