Ang saysay ng diskursibong imahen ng pagkabarako ng mga Batangueno sa identidad ng lalawigan ng Batangas

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng mga diskursibong imahen ng pagkabarako ng mga Batangueño upang makita ang kabuluhan nito sa pagkakabuo ng identidad ng lalawigan ng Batangas. Layunin nitong matukoy ang tunay na kahulugan ng pagkabarako ng mga Batangueo at kung nananatili pa din ito s...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Balba, Aristotle P.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2015
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/459
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng mga diskursibong imahen ng pagkabarako ng mga Batangueño upang makita ang kabuluhan nito sa pagkakabuo ng identidad ng lalawigan ng Batangas. Layunin nitong matukoy ang tunay na kahulugan ng pagkabarako ng mga Batangueo at kung nananatili pa din ito sa mga Batangueno hanggang sa ngayon. Gamit ang paraang arkibo, panayam at focus group discussion nakalap ng mananaliksik ang historikal na ugat ng pagkabarako ng mga Batangueno na ang pananaw ng mga Batangueno at mga hindi Batangueno sa katangiang ito ng mga Batangueno. Batay sa naging resulta ng pag-aaral, ang pagkabarako ay isang katangiang likas sa mga Batangueno. Sa simula ay positibo ang pagkabarako ng mga Batangueno subalit nahaluan ng mga negatibong barako kaya naging dalawa ang anyo ng barako sa lalawigan ng Batangas. Nabatid din ng mananaliksik na mas napapakinang ng mga simbolismo ng pagkabarako ang pagkabarako ng mga Batangueno. Naging malinaw din sa mananaliksik na negatibong pagkabarako ng Batangueno ang mas nakikita ng mga tagalabas ng lalawigan ng Batangas. Napatunayan ding bahagi na ng identidad ng mga Batangueño ang pagkabarako at kung ang mga Batangueño ang tatanungin, ang positibong pagkabarako ang tunay na pagkabarako. Bilang konklusyon ng pag-aaral, natukoy ng mananaliksik na ang pagkabarako ng mga Batangueño ay makabuluhan para sa lalawigan ng Batangas sapagkat bilang isang bahagi ng kultura at identidad, ito ay isang bagay na nagpapakilala at naglalarawan sa kanya.