Pagma-marikit-na!: Esensiyal na mga elemento sa pagmamapang etnokultural-historikal

Bawat danas ng mga mamamayan ng isang puod o teritoryo ay bunga ng mga panlipunang penomena na lumikha ng espasyong etnokultural-historikal na maaaring mahinuha sa pamamagitan ng metapora ng mito-ilustratibo-naratibo o ilustratibo-naratibo na abstraktong nakapaloob sa isa o mga representasiyong maaa...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Balagot, Adriano Dela Cruz
Format: text
Language:English
Published: Animo Repository 2016
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/467
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: English
Description
Summary:Bawat danas ng mga mamamayan ng isang puod o teritoryo ay bunga ng mga panlipunang penomena na lumikha ng espasyong etnokultural-historikal na maaaring mahinuha sa pamamagitan ng metapora ng mito-ilustratibo-naratibo o ilustratibo-naratibo na abstraktong nakapaloob sa isa o mga representasiyong maaaring nasa kategoryang iconic o simbolikal. Ang mga ito ang nagsisilbing tundos (point of reference) ng kasalukuyan upang makatawid pabalik sa kahapon nang kinapapaloobang teritoryo o heyograpiyang pisikal, sa gayon ay patuloy na malilikha ang kolektibong memoryang panlipunan sa pamamagitan ng mga abstrakto subalit dinamikong pakikipagtalastasan ng mga representasiyong pambayan/panlipunang sa diwa ng bayan. Paniniwalang nagbukas ng landas at mga ideya na gumiya sa naging tuon ng pag-aaral na may titulong Pagma-Marikit-Na!: Esensiyal na mga Elemento sa Pagmamapang Etnokultural-Historikal na naglalayong masaluysoy at maimapa ang etnokultural-historikal na kalagayan ng Marikina, na ang sentrong representasiyon ay si Marikit. Tinuhog sa pamamagitan ng sentral na representasiyon ang koneksiyong etnokultural-historikal sa pamamagitan ng mga elementong kaugnay nito na abstraktong nakahulagway sa mito-naratibo-ilustratibo o naratibo-ilustratibong metapora ng mga icon at simbulong Marikeño na nangsisilbing mga representasiyong pamabayan/panlipunan ng kultural at historikal na espasyo ng Lungsod ng Marikina. Nakatuntong sa nabuong teoryang Pagma-Mamarikit-Na! ang kabuuang sipat ng pag-aaral na kagiya sa konseptong “mula gitna patungo sa mga gilid mula sa mga gilid pabalik sa gitna lilitaw ang Marikina-Marikenong Identidad. Pananalig na gumuhit ng mapang etnokultural-historikal ng puod o teritoryong Marikeno mula pre-koloniyal, koloniyal, post-koloniyal at hanggang sa kasalukuyan.